Chapter 24

870 25 0
                                    

Demon P.O.V

Matapos ang date namin ay hinatid na niya ako sa dorm ko at swerte ay natutulog sila ng hinatid ako ni Silver.

Hindi pa rin ako maka move on sa date namin.

At first time na dito mismo sa immortal world kami nag date. At aaminin ko masaya ang date namin at nakakatuwa.
Agad siyang umalis dahil dalawang araw na siyang wala sa puder ng mga pangit na iyon baka daw hinahanap na siya. Kahit ayaw ko wala din naman akong magagawa.

Aiiisshhhh. Kaylangan ko ng matulog dahil may klase pa ako bukas.

Diana P.O.V

Maaga ako nagising dahil parang naging morning routine ko na ito. Pero bago lumabas ng kwarto ay naligo muna ako at nag bihis.

Dumeretso ako sa kusina para magluto. Hindi pa sila gising dahil masyadong maaga it's still 6 in the morning pero maya maya gising na sila.

"Good morning" bati ni Lissana habang pinapatuyo ang buhok gamit ang towel niya.

"Morning" sagot ko habang nagluluto ng scrabble egg. At hinanda na rin ang kanin at plato.

"Ako na riyan baka umitim pa ang scramble egg" binigay ko na lang sa kanya ang mga plato, kutsara at tinidor saka ko binalik ang pansin ko sa niluluto ko.

"GOOOODDD! MMOOOORRNNNING!"

"Wag ka ngang sumigaw hindi kami bingi" singhal ni Lissana kay Arianna pero hindi pinansin ni Arianna ang sinabi ni Lissana.

"Ang ingay mo naman Arianna, hindi ka ba nahiya sa kapit bahay natin at sa natutulog ha!!" Singhal ni Janice na kakalabas lang ng kwarto at basa pa ang buhok.

"Ay good morning sa inyo" dagdag ni Janice ng makita sina Diana at Lissana.

"Morning, kain na kayo gigisingin ko pa si Demon" pagyaya ko sa kanila.

"Mabuti pa dahil ayaw ko ng makatikim ng batok pag nakataon" napout na sabi ni Arianna.

Naglakad lang ako sa hagdan at dumiretso sa kwarto ni Demon.

Pagbukas ko ng pinto, gaya ng dati naka diagonal ang pwesto at naka nga-nga pa. Hayy ang panget pala nito maging katabi pag nakataon. At kapag naging katabi ko 'to baka kanina pa ako nahulog sa kama. Napailing na lang ako sa mga iniisip ko.

Lumapit ako at niyugyog siya.

"Demon, gising na huyyyy gising na"

"Mamaya na, antok pa ko" hayy ang hirap may tulog mantika na ka dorm.

Aha may naisip ako baka tumalab ang plano ko.

"Uyy demon nandito yung lalaki nung nasa hospital ano nga ba pangalan 'nun uhmmm, AHA! Si Silver, oo tama nandito si Silver" wala pang isang segundo ng nagmadali siya tumayo saka siya tumingin sa akin.

"Nasan siya?! bwesit wag mong papasukin dito, shit sige na lumabas ka na maliligo na ako paki sabi naliligo pa ako" sabay takbo niya sa cr pero lumabas ulit kasi nalimutan niya ang towel niya. Hahahahahahah epic ng mukha niya pero dapat pigilan baka magalit.

Hahahahahahah lumabas na lang ako ng nagpipigil ng tawa.

Demon P.O.V

Sino ba 'tong nagyu-yugyog sa sa akin. Kainis naman kita niya natutulog.

"Demon, gising na huyyyy gising na" bwesit storbo.

"Mamaya na, antok pa ko" sabi ko dito at nag change position.

--»»White Academy««--Where stories live. Discover now