Chapter 19

901 30 0
                                    

Demon P.O.V

Ngayong araw na ito ako babalik sa White Academy. Pero hindi ko pa rin malilimutan ang kagabi. Hindi ko pa rin makalimutan na nakita ko siya at nakayakap.

"Ate Demon hindi na ba mamabago ang isip mo?" Napatingin ako kay Luci ng magsalita ito.

"Luci naman pangilang tanong mo nayan eh" napakamot lang ito sa ulo at nag pout.

"Cute " sabi ko nito.

"Sige na bumaba na tayo baka kanina pa sila nag hihintay" tumango lang ito at sumunod sa akin na bumaba.

~~~

Ng makarating kami sa baba ay nadatnan namin ang iilang mamamayan. Kagaya ng dati nandito nanaman sila para supportahan ako.

"Magiingat ka doon Demon ha"

"Isigaw mo lang ang pangalan ng village natin Demon at tutulungan ka namin pag nanganganib na ang buhay mo" pag nanganganib pa talaga sila lulusob. Pambihira.

"Wag kayong magalala kaya ko ang sarili ko, ang iniisip ko ay kayong lahat ang kaligtasan niyong lahat, dahil nalusob na ito ng iisang beses, alam natin yan"

Hindi ko na pinatagal ang usapan at lumabas na kami sa bahay at dumiretso papunta sa may gate.

"Pero bago ako lumisan, mamimiss ko kayong lahat, pati na ikaw Luci" nakayakap lang ito kay Master Lenny habang umiiyak. Kaya nilapitan ko ito at saka ko ito binuhat at niyakap.

"Shhh. Tahan na wag ka ng umiyak, sige ka papanget ka niyan" banta ko nito.

"Ma-mimiss kita ate Demon " hagul-gol nito.

"Sige na aalis na si ate" sabi ko nito at ibinigay siya kay Master Lenny ulit.

"Magiingat ka doon iha" tumango lang ako sa sinabi ni Master Lenny.

"At huli na ito, patitibayin ko na ito ng mas matibay" pag tukoy ko sa shield.

"Shiuelde de ligone" pagkasabi ko sa salitang iyon mas tumibay ang pag ka kapal ng shield at parang naging triple ito.

"Paalam hangang sa muli, Silver tayo na"

At nagsimula na kaming maglakad ni Silver patungo sa labas ng gate. And here we go on an adventure.

**after 3 hours**

After ng 3 oras na naglalakad ay sa wakas nandito na kami sa may gitna ng gubat. Emphasise ko lang ang GITNA halos hindi na kalakad ang paa ko sa walang tigil na kakalakad.

Pero napansin ko lang bakit walang kibo 'tong lobong 'to.

"Hoy Silver okay ka lang?"

"Okay lang ako bakit ba?"

"Kanina pa kita kasi napapansin na ang tahimik mo"

"Wala. May iniisip lang ako" iniisip.

"Ano ba ang iniisip mo?, paki sabi nga sa akin para hindi ako magiging tanga kakaisip kung bakit?" Sasakit ang ulo dito sa lobong 'to eh.

"Kagabi"

"Oh anong nangyari kagabi"

"Kagabi, nakita kita may kayakap na lalaki na nakaitim, hindi ka ba natatakot na baka kaaway siya Demon, kasi nung nagpaalam ka para mag pa hangin ay sinundan kita patungo doon sa may burol na iyon at kanina ko rin napapansin ang laking iyon na nakatayo sa hindi gaanong kalayo na puno at nakatingin sayo" hay nako yun lang ba ang iniisip nito. kaloka 'tong lobong 'to.

--»»White Academy««--Where stories live. Discover now