Chapter 15

942 27 0
                                    

Demon P.O.V

Maaga na ako gumising at naligo dahil ayaw ko ng mabuhusan ulit ng malamig na tubig. Bumaba na ako at nadatnan nag hahain na sila ng almusal.

"Oh demon gising ka na pala" ay hindi tulog pa ako. May pagka tanga din 'tong terra na 'to akala ko si Aemie lang ang tanga at slow dito.

"Ay hindi tulog pa ako, kita mo nga oh nakapikit pa ang mga mata ko" sabay pakita ko sa kanya na nakapikit ako.

"Talaga! akala ko talaga gising ka na demon yun pala tulog ka pa hayyyy" sabi ni Aemie sabay iling pa nito. Umaandar na naman ang pagka tanga nito.

"Tsss TANGA!" sabi ni Terra saka upo ko sa upuan at lapag ni Daize sa lamesa ang niluto niya.

Pang almusal talaga, parang nasa mortal world ka lang dahil itlog, hotdog, may pang sosyal na pandesal may kape kung sino ang may gustong mag kape at juice din.

Akala ko talaga masusungit ang mga god at goddess pero nagkakamali talaga ako malaking pagkakamali may mga sariling ugali pala sila.

"Kumain ka ng madami Demon baka maubusan ka ng lakas kakaensayo natin" tumingin ako kay Aqua dahil nagsalita siya.

"Oo naman baka magugutom lang ako kakapractice natin"

"You should" meron ba 'to ngayon ang sungit sungit kasi ni Daize parang meron palagi.

"meron ka?" tumingin siya sa akin na nagtataka.

"Huh?" hindi niya alam.

"Yung ano, ahh alam mo na yun babae ka eh"

"Huh? I don't get it"

"May period ka ba ngayon ang sungit mo kasi" pag kasabi ko nun bigla na lang niya ako tinignan ng masama. Kaya naplunok na lang ako. Iba kasi 'tong si Daize pati na rin si Fire ang susungit kasi. Nakakawalang gana kausap dahil ang titipid magsalita.

"Tapos na ako" sabay tayo ko at dala ng plato para ilagay sa lababo.

"Oy hintayin mo ko Demon" sabay lapag ni Aqua sa plato niya sa lababo.

"Susunod na lang kami sa inyo, malapit na naman kami matapos" tumango lang ako.

"Ok dalian niyo ha para maabutan niyo Kami nag te-training"

Nag teleport na lang ako doon. Alam ko na man kung nasaan na yung lugar na yun eh.

****°°°PARADISE FIELD°°°****

Nandito na ako, parang kasunod ko lang si Aqua ng dumating ako dito.

"Ready ka na Demon?" tumango lang ako.

"Ok una mong gagawin ay umupo ka, yung upo na comfortable ka" sinunod ko ang sinabi niya at umupo ako at enekis ko ang mag paa ko dahil doon ako comfortable.

"Ano na ang sunod kong gagawin?"

"Just close your eyes and feel the surrounding like what you did with your training yesterday" tumango lang ako at pinakiramdaman ang paligid.

Bakit bigla na lang parang nabasa ang inuupuan ko. Kaya dinilat ko ang mga mata ko. At Omg nakalutang ako sa tubig.

"P-pa-paano nangyari naka upo ako dito?" Nagtataka akong tumingin sa kanya. Kanina sa damuhan ngayon nasa tubig. Ok eclear ko. Yung inuupuan ko lang naman ay may tubig para gets baka nasa isip niyo nasa dagat na ako or swimming pool.

"Ok lang yan hindi ka na man mababasa dahil may kapangyarihan ka namang tubig" tumango lang ako.

"Ano next?"

--»»White Academy««--Where stories live. Discover now