CHAPTER 37

740 21 0
                                    


Demon P.O.V

Agad kaming pumunta sa HM Office. Kahit na kakabahin kami ay ito ang kambal ni Sheena nag rereklamo, dahil bakit nanaman daw kami pinatawag na wala na man kaming ginawa.

"Hoy, sheena kahit ngayon lang please patahimikin mo yang kakambal mo" kanina pa ako naiirita sa babaeng 'to eh.

"Eh, hindi naman natin kasalanan kung napa away tayo eh!" Aahhhhhh. Ayaw ko na talaga. Kaya nauna na akong pumunta sa HM Office.

Kumatok muna ako bago pumasok. At nakita siyang seryosong nakatingin sa akin. Marunong din naman akong matakot kahit paano. Kaya ngayon ay nakayuko na ako dahil alam ko naman na nakasala ako.

"Where are the others?" Kahit boses niya ang seryoso.

"Parating na" gaya ng dati naririnig ko naman ang mga tinig ni Shakira kaya. Hana, dul, set, bitchess. Nakangiti pang pumasok si Shakira.

"Why are you smiling Ms. Fernandex?" Tanong ni HM Kael kay Shakira na ngayon ay naka nguso na.

"Diba sinabi ko sa inyong lima na wag kayo gumawa ng kalokohan" agad kaming napayuko.

"At dahil sa ginawa niyo ay may parusa kayo" bigla siyang tumayo at pumunta sa gitna namin. Tinignan niya kami ng isa-isa at parang sinusuri.

"Ano kaya ang mas magandang parusa na gusto niyong matangap?" Laaah? Tinatanong niya ba kami eh, ako nga dito hindi na maka salita dahil sa kaba.

"What if hindi kayo makakasali sa party na magaganap ngayong 1st of September?" Agad ng laki ang mga mata namin ng marinig namin ang sinabi ni HM.

"WHAT! NO! HM, WALA NAMANG GANYANAN OH!" Sigaw ni Shakira.

"HM pag usapan natin 'to, pwede naman ibang parusa ang gawin mo diba?" Sabi ko dito. Sana mag bago ang isip niya. Gusto ko pumunta sa party dahil first time ko yun.

"Ok, alam ko naman na first time niyong makapunta doon kaya ibahin natin" nakakakaba si HM. Shit baka mas malala ang gawin niyang parusa.

"Sabihin na lang natin na makakasali parin kayo sa party pero" pabitin naman si HM.

"Makakasali parin kayo pero wag na kayo mag expect na mananalo kayo sa Queen and Princess of the night" laahh siya!

"Hindi naman kami nag expect na mananalo kami sa party na iyon" sabi ni Lex.

"Pero hindi lang iyon, dapat sa umpisa hanggang huli ng party ay mananatili niyo ang kapayapaan ng party, Understood?"

"So parang guard kami nito?" Tumango si HM biglang sagot.

"Ok, masusunod, ok kami diyan, diba guys?" Tanong ko sa kanila at tumango naman sila.

"You may go, but this is the second warning, sa susunod na makaka-away nanaman kayo ay baka itong buong academy ang ipapalinis ko sa inyo" tumango na lang kami. Atsaka lumabas na.

"Haayyy, kailangan na natin mag ingat, dahil isang away na lang maglilinis na tayo" tapos tumawa lang itong Sheena na ito.

"Tara na nga baka ma-late pa tayo sa susunod na klase" sabay hila ko kay Xeina at Lex. Bahala na ang Kambal doon.

**^^**

Agad kaming pumasok sa room at nakitang nag kakasaya sila sa gitna.

Nag lalaro kasi sila ng truth or dare tapos kasali lahat ng royalty at may ibang klaklase namin nakisali na rin pero ang iba ay nakinuod na lang.

Tumingin si Diana sa amin at parang pinapasali pa kami pero umiling lang ako bilang sagot. Atsaka pumunta sa likod para doon na umupo. Nakita ko naman na sumunod sila sa akin at umupo na rin sa tabi at mas likod ko pa.

Nag simulang inikot nanaman ni Dana ang bote at tumapat ito kay Dana at sa isa naming klaklase na lalaki.

"Truth or dare?" Tanong ni Glenn kay Dana. Nag isip muna si Dana bago sumagot ng truth. May bigla akong na-isip na kalokohan na hindi ko alam saan ng galing basta agad kung tinitigan si Glenn para ma control ko siya.

Naka tapat kasi ito sa akin habang si Dana ay naka talikod sa akin. Biglang nag bago ang kulay ng mata ni Glenn pero bumalik lang ito sa normal. Ngayon hawak ko na ang utak pati ang sarili nito.

"Mag tapat ka nga sa amin" biglang nag bago ang reaksyon ng iba dahil sa lalim ng tinig ni Glenn.

"Ano na man ang tatapatin ko?" Takang tanong ni Dana.

"Mag tapat ka kung ano ang masamang balak mo dito sa academy pati na rin sa royalty?" Biglang napatayo si Dara ng marinig ito. Habang si Dana ay naka-upo lang.

"WHAT THE HELL ARE YOU TALKING ABOUT?" Sigaw ni Diana kay Glenn. Napa tingin ako sa gilid ko ng may kumuhit sa akin. At napatingin ako kay Xeina.

"Nakita ko ang ginawa mo" nag smile lang ako sa kanya at bumalik sa pag tingin sa gitna.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko princess Dara si princess Dana ang kinakausap ko kung siya nga ba si princess Dana?" At agad ko siyang pinaguhit ng nakakatakot na ngiti sa labi.

"Well, mukhang magugustuhan ko ang ginagawin mo Demon" sabat ulit ni Xeina sa gilid na ngayon ay tutok na tutok sa nangyayari sa gitna.

"WHAT THE--" Susugod na dapat si Diana kay Glenn ng pinigilan siya ni Baste.

"LET ME GO SEBASTIAN!" sigaw nito kay Baste.

"Huminto kana Dara" tumigil si Diana sa pag sisigaw ng mag salita si Dana.

"Hindi ko alam ang mga sinasabi mo pero ito lang ang sagot ko jan" putol na sabi nito saka tumayo.

"Nandito ako dahil para bumalik sa totoo kung buhay, nandito ako dahil nandito ang mga totoong magulang ko, nandito ako dahil dito ang totoong tirahan ko, at kung tinanong mo ako kung ano ang pakay ko dito simple lang para makasama ang kapatid ko na matagal na akong hinahanap" mahabang paliwanag niya na hindi ko alam kung totoo o hindi. Pero bigla na lang siyang umiyak kaya nilapitan siya ni Diana, Baste, at ang iba pang royalty.

Agad ko ng pinutol ang connection ko kay Glenn kaya bigla na lang ito pinikit ang mga mata nito at minulat at para siyang naubusan ng hangin sa loob ng katawan niya.

"WHTA THE HELL!" sigaw bigla ni Glenn kaya tumingin silang lahat dito.

"A-aanong nangyari sakin, bakit umiiyak si princess Dana?" Takang tanong niya na agad naman pinigilan ni Baste si Diana sa pag lusob dito.

"Wa-i-it, sandali lang hindi ko alam ang nangyari ok? ang naalala ko lang ay yung sinabi ni princess Dana na truth tapos biglang pumikit ang mga mata ko at wala na akong maalala" may pagka honest din tong si Glenn.

"What are you saying is?" Tanong ni Diana.

"May nag co-control sa kanya kanina" biglang sabi ni Troy sa kawalan.

"Then sino naman ang gagawa nun?" Tanong ni Dana.

Bigla silang tumingin kay Nash dahil ito lang naman ang kapangyarihan niya ang kontrolin ang mga isip ng mga tao.

"What? No! Hindi ako, hindi ko yun magagawa at hindi ko din kayang palitan ang boses ang isang tao" wala silang magawa kundi itigil ang laro at bumalik sa mga upuan nila habang ang royalty ay pinapatahan si Dana kasama ang mga kaibigan nito.

"That was intense Demon" biglang sabi ni Lex sa likod ko na bumubulong.

"Tss. Akala niya siya lang magaling umakting, pwes tignan natin" sa lahat ng tao ayaw na ayaw ko sa mga taong plastic.

—————
DONE

PLSS...

VOTE AND COMMENT

--»»White Academy««--Where stories live. Discover now