Chapter 11

962 29 0
                                    

Diana P.O.V

Nandito kaming lahat sa kwarto ni Demon as in pati mga lalaki nandito din. Maaga kami nagising habang ang isa dito ang himbing ng tulog. Parang hindi pa nakarecover sa pag tulog niya ng tatlong araw.

"Tulog mantika pala yang Demon na yan eh. Pangilang alarm clock na ba ang nasira nito dahil binabato lang kung saan-saan" sabay iling ng ulo ni Mikko.

Ilang alarm clock na ang sinummun ko pero wala epek tulog parin.

"At ilang gamit na rin ng pang pagising ang ginawa natin pero wala parin, ano bayan!" na frustrated na sabi ni Lissana.

"Dara gisingin mo na malelate tayo nito eh" Wala na akong magawa lumapit ako sa kanya at niyugyog at sumigaw ng....

"SUNONGGGGGGGG!!!!!" Hoo first time ako sumigaw ng ganon. Pero nagulat ako ng bigla ito tumayo at natataranta.

"Nasaan ang sunog bilis kunin niyo ang mahahalagang gamit niyo bilis *tumigil ito at tumingin sa amin* ano pa ang hinihintay niyo bilis " hindi na namin kaya kaya...

"HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH" tawa lang kami ng tawa. Sila Nathan, Mikko, Aira, at Janice gumagapang na kakatawa. Pano ba na man dala niya ang mga gamit niya at akmang lalabas ng nakita niya tawa kami ng tawa.

"Anong nakakatawa?" Kunot noo niyang sabi "At bakit ganun *sabay tingin sa paligid * WALA NAMANG SUNOG HA! PUTA ANG GANDA NA NG PANAGINIP KO! AYUN NA EH MALAPIT NA PERO GINISING NIYO AKO AHHH!" tumatawa pa rin kami. Ngayon sinasabunot na niya ang sarili niya.

"Tumigil na kayo, Demon tama na yan maligo ka na malelate na tayo" ngumuso lang siya at padabog na pumunta ng cr.

"Sige na labas na kayo, hintayin na lang natin sa labas si Demon"

**After 20 mins**

Lumabas na sa kwarto si Demon at nagmamadaling pumunta sa kusina at kumuha ng isang toasted bread.

"Tayo na late na tayo"

Tumatawa pa rin sila except kay Troy at Drake na pinipigilan lang.

***Classroom***

"Sorry were late" sabay bow ni Demon. Siya lang ang ng bow kaya tumawa na naman ang mga loko.

"It's okay take your seats"

Pumunta na lang kami sa mga upuan namin.

"Ok class i'll give you an assignment and pass it on monday. This would be a by group assignment. This would be your groupings

Group 1:

Lyka Gurna
Anton Ceasar
Ginno Reyas
Xander Yssar

Group 2:

Anica Fuente
Patrick Paller
Stella Sahara
Musa Musika
Raven Tura

Group 3:

Brandon Sedney
Freya Wilson
Zoe Kramer
Quintin Silvia
Zachary Pierce

Group 4:

Diana Nakahara
Lissana Walfer
Arianna Areo
Janice Tan
Demon Forrester

Group 5:

Drake Frickster
Troy Warlock
Mikko Scott
Nathan Pantaleon
James Buchanan

that would be your groupings and your assignment is to make a poison, any poison will do, that's would be today, class dismiss" sabay labas niya sa classroom.

"Guys tayo na gutom na ako hindi pa ako kumakain dahil sa pagmamadali"

"Oo nga guys tara na gutom na rin ako" sabi ni nathan kaya na ka tikim ito ng  batok galing kay Lissana.

"Gutom ka na man araw-araw eh! ano pa ba ang nagbago" napakamot na lang sa ulo si Nathan.

"Tss. Tayo na gutom na si Demon" sabay hila ni Troy kay Demon. Kaya sumunod na lang kami.

****cafeteria****

Madaming estyudante ang nakatingin kay Troy at Demon dahil hawak parin ni Troy ang kamay ni Demon.

"Troy pwede mo ng tanggalin ang kamay mo" sabi ni Demon at sabay din sa pag bitaw ni Troy nito. Umiwas ng tingin si Troy saka pumula ang pisngi nito.

"Tara na guys umupo na tayo gutom na ako" kailan ba 'tong Nathan na 'to hindi gugutomin. Umiling lang ako at umupo sa reserve table namin.

Demon P.O.V

Naiilang ako habang hawak ni Troy ang kamay ko parang may nagawa akong malaking kasalanan kay Silver.

"Troy pwede mo ng tanggalin ang kamay mo" naiilang kong sabi sa kanya. Kita ko naman na parang namula ang mukha niya pero hindi ko na lang pinansin baka nahiya lang siya na hawak niya ang kamay ko.

"Tara na guys umupo na tayo gutom na ako" nabasag ang tahimikan namin ng nagsalita si Nathan. Kaya umupo na lang kami at umorder na.

"Spaghetti, Hamburger, coke, strawberry cake, dalawang pizza, dalawang large fries, at isang strawberry shake" sabi ko kay Mikko at Nathan na nag volunteer sa pag order.

"Mauubos mo yun lahat Demon? Anak ka ng nanay mo ang dami non, eh ako nga isang burger lang ok na pero ikaw, anong klaseng halimaw ang na sa tiyan mo demon" natawa lang ako sa sinabi ni Janice sa akin.

"Oo nga, palit kaya tayo ng tiyan para makakain din ako ng masasarap na pag kain na hindi tumataba" iba din 'tong Aira na 'to. Nakikipag palit pa.

"Ayoko nga, hindi naman ako kagaya niyo na palaging Bermuda grass ang kinakain, gayahin niyo nga kami ni Diana walang paki kung tumaba basta hindi bata ang laman hahaha " ngumuso lang ang tatlo.

"Tama si Demon kumain kayo ng mga pag kain ng tao hindi pagkain ng kambing, kung gusto niyo gawin ko kayong kambing eh" pag babanta ni Diana sa kanila namutla naman ang tatlo kaya tawa lang kami ng tawa ni Diana.

"Oh anong nangyari sa tatlong 'to" sabay lapag nila ng order namin at turo sa tatlo na nakanguso parin.

"Wala kang pake" sabi ni Aira at Lissana sabay kuha ng burger na dapat kay Nathan at Mikko kaya na alerto ang dalawa pero huli na ng kagatin ito ng dalawa. Kaya tawa lang kami ng tawa ni Diana dahil wala ng nagawa sina Nathan at Mikko kaya bumalik sila sa counter at bumili ng bagong burger.

Habang si Janice kinain na lang niya ang isang burger na dapat din kay Nathan at dahil hindi naka tingin si Nathan sa kanya nakuha niya ito ng walang sabagal.

Dahil gutom na ako hala sige lamon lang ako ng lamon wala akong pake kung tawagin nila akong matakaw o PG basta kain lang.

Tinignan ko sila, ang saya nila sana ganito na lang araw-araw wala ng gulo masaya lang pero iba 'tong mundong 'to hindi tatahimik ang mundong 'to kung may maraming masasamang tao sa paligid.

Napansin ko na kanina pa nakatingin si Troy saakin kaya ng tignan ko ay bigla siyang umiwas ng tingin. Anyare dun?

Hindi ko na lang siya pinansin at kumain na lang ulit.

—————
DONE

--»»White Academy««--Where stories live. Discover now