Chapter 2 - Bagong Pagkakataon

4.4K 123 8
                                    

Sumunod na araw, nag-jogging ulit kami ni tito at bumili naman kami ni dad sa grocery, hindi ako bumili ng kahit na anong junk food, halos lahat pang-salad. 


Nagtanong si dad, "Para saan yan?" tanong niya ng inilagay ko ang mga gulay at isdang ulam. "Ah- pagkain ko." sabi niya at nagpatuloy kami hanggang sa napansin niya na hindi ako kumuha ng kahit na anong junk food.



"Ayaw mo ng tsitserya?" tanong niya. "Ayoko." sagot ko naman. 


Pag-uwi namin, naghanda ako ng hapunan ko, salad eka nga. Kinailangan kong tiisin sa totoo lang kasi hindi naman talaga ako kumakain ng gulay. Naka-try na ako ng ilang mga gulay pero laging may exception, kaya ngayon, talagang tsaga tsaga nalang ang aking bibig, lalo na ang dila ko.


Nagpatuloy ang gawain na ito from 3rd Week ng May up to 2nd Week ng July. 


Pumayat ako, na-achieve ko ito ng ilang linggo. Para sa akin, worth it. 


Hindi ako makapaniwala na dumating yung araw na makikita ko ang sarili ko sa salamin na wala na yung mgakinain ko dati. 


Kaya ang sinunod ko naman, ay yung mukha ko. Hindi na ako nagpuyat, tsaka yung diet ko inimprove ko na hindi na ako masyadong kumakain ng mamamantikang pagkain.


Nagpatulong ako sa ate ko pagdating dito at supportive naman siya. Tsaka nung two days before pasukan, nagpagupit kami ni kuya ko, at iniba niya talaga ang style ng buhok ko at tinuruan pa ako ng mag-wax matapos niya ako bilhin nito.


The day of pasukan...


Nakarating na ako sa dorm kahapon pa at maganda ang gising ko. Kumain ako ng light breakfast tsaka nagpaalam kay ate. "Alis na ako." sabi ko. "Ingat." bati niya't nauna na ako. Parang first time kong sinuot ang uniform kahit sinuot ko naman na ito noong nag-ID picture taking kami.


Pagdating ko sa classroom, puro mata ang nakita ko't puro titig ang nasa akin, tahimik ang lahat. 


Halatang hindi pa kami kumpleto nga lang, "H-hi..." bati ko ng may kaonti ng hiya kahit idinaan ko ito sa ngiti. Pagdating ko sa isang upuan, may isang babae na tumabi sa akin, "Hi." Bati niya, "Ako si Paulina." 


Sabi niya sabay labas ng kamay at ang sagot ko naman, "Jaden." At nagkamayan kaming dalawa, "Ito naman si Aldrin, si John, Peter, Aya, Lime, Veri, Mica, at si Dienne." Lahat sila nag-hi sa akin. 


"Naisipan namin kumain mamayang lunch, sama ka!" Inaya ako ni Paulina kaya ngumiti naman ako't sinabi, "Sige."


Dumating ang prof namin at nagpakilala siya bilang adviser namin. "Okay, as it always will be. Syempre hindi mawawala ang introduce yourself." sabi ni prof at iniisa-isa kaming pinapunta sa harap ng classroom para magpakilala. Pagdating ko sa harapan ay inilabas ko ang isang ngiti sa kanila, "Hi." sabi ko't marami agad akong napangiti.


"Ako si Jaden at, nagagalak akong makilala kayong lahat at sana... simula ngayon... masaya lang sana tayong lahat, walang masasamang pangyayari at malulungkot." sabi ko't pinalakpakan ako nila bago ako pumunta sa upuan ko. 

Dahilan Kung Bakit Mahal Kita [COMPLETE] (boyxboy)Where stories live. Discover now