Chapter 11 - Kanta Para Sa'yo

2.9K 80 14
                                    

Isang araw nang wala akong pasok ay kinuha ko ang pagkakataon na umuwi ng probinsya at bumisita sa luma kong eskwelahan. 


Nagdala ako ng pasalubong para sa mga naging guro ko ng high school, at syempre gusto ko naman makipag-kwentuhan sa kanila.


Nang makarating ako sa school ay nakarating ako sa faculty room at kumatok, "Hello po." bati ko't pumasok. 


"Oh, yun oh! Dapat yan yung mga gusto kong bumibisita." sabi ni sir Jey. 


"Dapat may pasalubong. Brad, timplahan mo nga bisita natin ng kape." dagdag niya sabay lingon kay sir Fin, English teacher ko dati.


"Sige sige." sabi niya't tumutol ako bigla, "Ah- hindi na po, okay lang po." pero pagpapatuloy pa rin niya ang kanyang pagtimpla, "Hindi. Okay lang yan, kami na bahala." sabi niya't nakita ko naman si Ma'am Valer, "Ma'am!" siya ang paborito kong teacher, mahilig akong makipagkwentuhan sa kanya at makipagdaldalan kahit strict siya, nagawa naming makipag-kaibigan sa kanya.


Nagmano ako sa lahat ng mga teacher at sabi, "Dapat dumating ka dito bandang uwian para naka-usap mo yung mga iba, may klase pa sila eh." banggit ni Ma'am. 


"Okay lang po." sagot ko naman at tsaka nagsimula ang kwentuhan naming apat.


"Kamusta ba buhay Manila?" tanong niya. 


"Okay naman po. Mahirap nga po eh kaya, kailangan talaga ng tiyaga." sabi ko. 


"Dinig ko nga ang tataas na ng mga grade mo tsaka grabe ah, ang laki ng pinayat mo." komento ni sir Jey. 


"Ah- opo. Wala po kasi akong magawa nung summer eh." sabi ko naman.


"Eh buti naman at hindi puro kompyuter ang inatupag mo." banggit ni Ma'am Valer, "Ay hindi naman po, mga ilang oras lang ako nag-kokompyter sa isang araw." sagot ko naman. "Kamusta na po ba sila Tyron?" tanong ko. 


"Ayun, nag-aayos ng mag-guest. Oo nga no, since choir ka naman dati, baka okay lang sa'yo kung mag-perform ka?" tanong ni ma'am.


Nanlaki mga mata ko't napatanong, "Po?"


"Yun ay kung libre ka. Diba meron tayong Experiment FunTime every year? Eh ang kailangan ni Tyron ay mga mag-g-guest para sa intermission number. Yung former dance club members umagree na kaso ni-isa sa Fantastic Four walang nakasagot, kahit ikaw raw." paliwanag ni Ma'am.


"Ay... sorry po, busy po kasi eh. Kahit si Rafael po?" tanong ko naman, former president ng choir namin. 


"Hindi rin eh." banggit ni sir Fin. 


"Baka ikaw makasalubong mo siya. Nakikita ng ilang mga faculty namin na dumadaan siya sa book store dun sa kabila tuwing Friday." sabi ni sir Jey.


Napa-isip ako, pero matagal na rin naman kasi noong nagkita kami ni Rafael. 


"Sige po. Subukan kong kausapin siya." sabi ko naman. 

Dahilan Kung Bakit Mahal Kita [COMPLETE] (boyxboy)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz