Chapter 9 - Tulong

2.9K 83 2
                                    

Natapos ang araw at hinatid na ako ni Chad pabalik sa aking dorm pero sinabihan ko siya bago ako nagpaalam na, "Hindi mo naman ako kailangan laging hatid-sundo." sabi ko pero nginitian niya lamang ako't sinagot ng, "... Wala namang masama sa pag-aalala." sabi niya't umalis na.


Dumating ang gabi, at mag-isa akong kumain sa karinderya, hindi naman sa ako lang ang tao pero ako lang mag-isa at wala akong kasama. Pumunta sa akin si Edward habang nakatingin ako sa pader kung nasaan ang menu.


"Oh, ikaw lang mag-isa ngayon?" tanong ni Edward. "Ah oo, may assignment daw kasi si Lawrence kaya hindi siya makakakain dito ngayon." sagot ko naman. "Ah, sige, order ka na." sabi niya't ngumiti. "Tapsilog akin." sabi ko't tumango siya, ang nasa paligid, wala ako ibang nakikitang mga kapatid niya o kaya tao na nasa counter.


Ilang sandali pa ay narinig ko ang isang malakas na pagbagsak ng isang plato na nabasag. Biglang tayo ako mula sa upuan ko't tumakbo sa kusina at nakita ko si Edward na may sugat sa kanyang daliri sa kaliwang kamay.


Lumuhod agad ako't nagtanong, "Anyare?" at sagot niya ay, "Napaso lang... kukuha sana ako ng sabaw habang nasa kamay ko yung plato kaso... hindi ko akalain na mainit pala yung takip." paliwanag niya.


Laking pasalamat daw niya na wala masyadong dumadalo ngayon. Pinaupo ko siya sa isang upuan at tinaong kung nasaan yung first aid nila. Matapos ko itong makuha ay sinimulan kong gamutin ang kanyang sugat. "Nasan nga ba yung pamilya mo?" tanong ko.


"Nasa Laguna, nandun sila ng apat na araw, sa Sabado pa ang balik nila." sabi niya. "Tapos 'di ka sumama?" tanong ko naman. "Binisita nila sina nanay..." sabi niya't nilayo ang tingin. "Bakit...?" tanong ko naman. "Nanlalaki yung nanay ko't nagka-anak... kahit iniwan siya nung lalaki, hindi siya iniwan ni tatay..." kwento niya.


"Ede masama ang loob mo sa nanay mo...?" tanong ko naman at napatango ko siya. "..." Matapos kong lagyan ng bandaid ang kanyang sugat ay hinimas ko ito ng napatitig ako sa kanyang daliri, "... Naiintindihan kita..." sabi ko naman. "... Talaga?" tanong niya. "Oo naman. Kahit ako naman kapag iniwan ng kahit na sinong magulang ang isa't isa... maapektuhan ako." sabi ko.


Napatingin ko siya't nagtagpo ang mga mata namin, una kong naramdaman na nagkakaintindihan kami since parehas kami ng naranasan. Ngumisi siya't sinabi, "Buti naman pala may nakaka-intindi rin sa akin. Sige, babalik na ko't kukunin ko na yung tapsilog mo." sabi niya't bumalik ng kusina.


Tumango ako't naghintay muli, ilang sandali lang ay bumalik siya ng dala na ang isang plato ng tapsilog. Nagdasal ako't nagpasalamat sa pagkain tsaka kumain, hindi ko namalayan na umupo siya sa aking harapan.


"Sabado kamo sila uuwi...?" tanong ko. "Oo. Kung ganun ede mag-isa lang ako dito, sana nga naman hindi ganun nakakapagod..." sabi niya. "Kailangan mo ba ng tulong?" tanong ko naman. "Ha? Ah, hindi na, kaya ko naman kahit mag-isa ako." sabi niya. Pinagmasdan ko ang paligid, malaki kasi ang karinderya, tapos meron pa sa labas na mga table. Kapag kinalcula ko ito... tatlo ang dapat na tiga-luto, dalawang waiter sa loob, dalawa sa labas at dalawa sa ihawan at isa sa counter, at isa rin sa tiga-hugas ng plato.


Nanlaki ang mga mata ko't tinanong, "Bukas, okay lang ba kapag dito kami kumain ng mga kaibigan ko?" tanong ko naman. "Mahirap yan, pero sige ba!" sabi niya't ngumiti. Pagkatapos kong kumain ay umuwi na ako sa dorm para magpahinga para bukas.

Dahilan Kung Bakit Mahal Kita [COMPLETE] (boyxboy)Where stories live. Discover now