Chapter 6 - Lunch

2.9K 94 1
                                    

Dumating ang susunod na linggong Martes...


Bago ako makarating sa building namin ay may tumawag sa akin at narinig ko na may papalapit na tao, "Jaden!" tawag nito't tumingin ako kung kanino ito nanggagaling, kay Chad. 


"Oh...?" tanong ko. 


"Hindi ko natanong sa'yo... saan mo gusto kumain mamaya?" tanong niya.


"... Ikaw nabahala dun, kahit saan okay lang." sabi ko. 


"Ah, sige sige! Text nalang kita kapag tapos na klase ko." sabi niya't sabay labas ng phone. 


"...?" Ngayon ko lang namalayan na kukunin niya number ko, "Ah... okay, teka." sabi ko't kinuha ko na rin ang number niya.


Matapos ay nagpaalam na siya at tumungo na ako sa classroom ko para sa araw. Nakita ko na natutulog si Peter sa kanyang upuan. Ibinaba ko ang bag ko sa aking upuan at pumunta sa kanya, "Puyat?" tanong ko. 


"Oo... napakahaba nung assignment na binigay ni sir..." komento ni Peter.


"Well at least ngayon wala tayo masyadong gagawin. Katatapos lang ng dalawang quiz kahapon at magpapasa ngayon ng 2 pang assignment..." paliwanag ko. 


"Sana nga..." sabi naman ni Peter at sumunod na pumasok si John at Paulina.


"Morning guys." bati ni Paulina. 


"Morning." bati namin ni Peter pero sa tingin pa lang sa kanya halatang pagod pa lang sa pagbabati. "Napakahaba nung assignment no?" komento ni Paulina. 


"Buti nga medyo madali lang eh." banat naman ni John.


Sumunod na pumasok si Mica matapos ang ilang minuto, "Guys guys!" sigaw niya ng may malakas na enerhiya. 


"Oh? Aga ah." komento ni Paulina. 


"Ano yun?" tanong ko naman. 


"May bagong bukas na cafe sa labas ng campus! Tara kain tayo mamaya!" sabi ni Mica na nagpa-alala sa akin na kakain kami ni Chad mamaya.


"Sige ba!" sabi ni John. 


"Ay- sorry..." sabi ko't ipinagpatuloy, "'Di ako makakasama ngayon..."


"Huh? Bakit naman?" tanong ni Peter. 


"May... um, pupuntahan ako mamaya." paliwanag ko. 


"Ay weh? Hala, sayang naman." sabi ni Paulina. 


"Saan ka pupunta?" tanong ni Mica.  


Dahilan Kung Bakit Mahal Kita [COMPLETE] (boyxboy)Where stories live. Discover now