Chapter 8 - Damdamin

3.1K 84 4
                                    

Sumunod na araw ay nakasalubong ko si Chad sa labas ng aking dorm. 


"Hi..." bati niya. 


"Sabay na tayo." at tumango ako. 


"Okay ka lang? Nakatulog ka naman ng maayos...?" tanong niya.


"Oo... kaso hindi ko na sinabi sa ate ko, baka mag-alala pa yun sa akin." sagot ko naman.


"Siguro nga... pero... kapag namomroblema ka basta tawagan mo lang ako ah." sabi niya. 


Sa pangungusap lamang na yun ay napatibok na ang puso ko na para bang tumataba ito. 


"S-sige..." sagot ko naman at nagtungo na kami sa building ko. 


Bago ako nagpaalam lumingon siya sa akin nagbigay ng isang halik sa aking noo.


"Ingat ka." sabi niya't umalis na't nagtungo sa kanyang building. Natahimik ako't nanlaki ang aking mga mata, nakatulala. 


"Oy oy oy... ano 'to...? Uy, Jaden ah." narinig ko ang halatang boses ni Lime na kinalabit ang aking likod. 


"Morning." bati niya. 


"M-morning." bati ko naman. 


"Sino yun? Manliligaw? Boyfriend?" tanong niya.


"K-kaibigan..." sagot ko naman. 


"Baka ka-ibigan." banggit niya sa ibang tono. Sinamaan ko siya ng tingin at sabi, "Tara na nga pasok na tayo." sabi ko naman at pumasok na't nakatanggap ng isang ngiti't malakas na, 


"Okay!" mula sa kanya.


Pagdating namin sa classroom biglang takbo si Lime kina Paulina, Mica, Peter, at Dienne. 


"Guys guys!" nanlaki ang mata ko't hinabol siya, "Si Jaden kanina may kasamang-" bago ko pa siya ipinagpatuloy ay, "Oy teka-! Wag mong-!" tinakpan ko ang bibig niya mula sa likod.


"Ano yun, Lime?!" tanong ni Paulina na halatang excited.


"Tumigil ka nga, Jaden!" sigaw ni Lime habang tumatawa't sinusubukang makawala sa akin. Ayoko namang mapahiya sa kanila. 


"Wag nga kako.." sabi ko naman at napatawa na rin.


Matapos ang ilang segundo ay hiningal na kami pero ipinagpatuloy pa rin ni Lime ang pagkwento, "Si... haa... Jaden may, phew, kasamang lalake kanina papunta sa... building." kwento niya. 


"Ay weh? Sino?" tanong ni Peter. "Hindi ko kilala eh pero tiga-Archi." sagot ni Lime.


Dahilan Kung Bakit Mahal Kita [COMPLETE] (boyxboy)Where stories live. Discover now