Chapter 13 - Pagpili (End)

3.6K 89 42
                                    

Dumating ang pasukan at pagpasok ko sa classroom ay pinagtitinginan ako nila Paulina, kumpleto sila lahat. 


"... Bes, we need to talk." sabi niya't umupo ako sa gitna nila't nagsabi, "Ba't ang aga niyo?" tanong ko. 


"Ikaw rin naman eh." sabi ni Veri. 


"Trending ka oh." sabi niya't nakita ko ang isang video sa phone ni Paulina na kumakanta ako kasama si Rafael.


Nanlaki ang mga mata ko, "Si Rafael 'to diba? Yung kwinento mo sa amin dati na ka-choir mo?" tanong ni John. 


"Oo, siya nga." sagot ko. 


"... Jaden." tawag ni Paulina, na parang nag-aalala, at pinapakaba ako. 


"... Ang lakas mo..." sabi niya at naghiyawan sila't yinakap ako.


Huh...?


"Ano ka ba, Jaden! Wag mo nang itago, sino ba pinili mo?" tanong nila. 


"Pinili?" tanong ko naman.


Nang kumalma sila ay ipinalinaw nila, "Jaden, tatlong lalake ang nagkakagusto sa'yo... si Chad, Lawrence, at si Rafael." sabi ni Paulina. Nanlaki ang mga mata ko't hindi ako makapaniwala. 


"Teka-" pero pinutol nila ako.


"Bes, tinanong na namin sila, nung Friday diba nauna ka na, kaya tinanong ni Veri si Chad kung gusto ka raw ba niya, sabi niya... 'baka nga mahal ko na siya eh'." at kinilig sila sa pagbanggit ng mga salita na ito.


"Si Lawrence naman, si John at Peter ang nagtanong... ang sabi niya..." at ipinagpatuloy ni Peter ang pangungusap ni Paulina. 


"... 'Oo, simula nung nagkakilala kami ng husto'." at muli silang kinilig. 


"..."


Napatahimik ako, "Si Rafael eh... never pa naman namin na-memeet yung guy pero cute siya aaminin ko." bigkas ni Aya. 


"True." pagsang-ayon ni Mica. 


"So, ano na Jaden?" tanong ni Dienne.


"Anong ano?" tanong ko.


"Sino ba talaga napupusuan mo? Kasi nga eh... paano ba... love... square...?" tanong ni Aldrin at natawa sila't sumang-ayon, "Siguro nga, love square kaso walang sides, kasi lahat nakatutok sa isang point." sabi ni Paulina sabay turo sila lahat sa akin.


Pinagpapawisan na ako't kinakabahan...


"Kahit yung... siguro, yung tuluyang lumapit sa puso mo regardless the times na magkasama kayo noon pa, for example like- kapag nag-away kayo dati ganun, disregarded." paliwanag ni Paulina.


"Siguro... yung na-appreciate ko yung presenya niya sa buhay ko ngayon ay..."


|| === ATTENTION!!! ===||

Nasa iyong mga kamay ang kapalaran ni Jaden kung kanino mapupunta ang kanyang puso.

Ang College Heartthrob ba ng University na si Lawrence?

O kaya naman ang Unstoppable Lover na si Chad?

At syempre ang Sing-Spiration Loyalty na si Rafael?


Ganito ang mangyayari, ikomento lamang ang pangalan na gusto niyong piliin ni Jaden at magbigay ng dahilan kung bakit sa tingin mo siya ang karapat-dapat sa puso ni Jaden. Hindi i-coconsider ang paramihan ng mga boto kundi ito ay pagandahan ng dahilan.


Ang mananalo ay ang taong unang pipiliin ni Jaden at ang istorya ay matutuloy sa bagong libro na lalabas isang linggo pagkatapos ng nakatakdang mga oras para bumoto. Para sa mga hindi napili, sila naman ay bibigyan pa rin ng sarili nilang istorya kasama si Jaden sa mga bagong libro! Ang mananalo ang siyang uunahin lamang ang istorya. Katanungan? I-Pm lamang ako!

Dahilan Kung Bakit Mahal Kita [COMPLETE] (boyxboy)Where stories live. Discover now