Chapter 12 - Performance

2.5K 78 3
                                    

Dumating ang Friday...


Patay. 


Ang haba ng pila sa terminal at dalawang oras nalang ay call-time na, kailangan kong bilisan, pero wala akong magawa, kailangan ko lang ay ang maghintay at pasensya. 


Ilang minuto pa ang lumipas at nakasakay na ako at tsaka umuwi na sa probinsya.


Isa't kalahating oras ang biyahe, traffic, Friday kasi... normally, isang oras lang. 


Wala na akong time na umuwi pa at magbihis, dumating ako sa dating kong paaralan na naka-uniform ng aking kolehiyo. 


Nang makita ako ng faculty pagdating ko dito ay napatingin sila sa akin, "... Wala kang pamalit?" tanong ni Ma'am.


"Wala po." sagot ko naman. 


"Okay lang yan, para ipagmalaki naman niya yung school niya." paliwanag ni sir. 


"Si Rafael po ba?" tanong ko. 


"Ayun nasa canteen nagpapractice, puntahan mo na." sabi ni Ma'am.


"Opo." at umalis ako ng faculty, at tumungo sa canteen.


Ilang segundo lamang ay nakita ko si Rafael na nakikinig sa speakers, "Sorry, ngayon lang ako." sabi ko. 


"Okay lang, tingnan mo nga naka-uniform lang ako, wala na'kong oras magpalit pa." paliwanag niya't tiningnan ako, "Ikaw rin naman ata." at tumawa siya.


Nag-practice na kami at nang maka-last kami ay tinanong niya ako, "... Hindi ka kinakabahan?" tanong niya.


"Hindi rin. Tagal ko nang ginagawa 'to." sabi ko naman. 


"Nga naman... tagal na rin tayo hindi ng magkasama..." bigkas niya. 


"Eh diba music ang kinuha mo?" tanong ko, "Oo pero... parang kulang talaga kapag hindi mo kasamang kumanta yung mga nagbuo sa'yo..." sabi niya't lumambot ang tingin sa akin.


"Pero promise, hindi ito yung last na kakanta tayong magkasama." sabi niya't kumindat at tumayo. 


"Game?" tanong niya.


"Game." at nagpunta na kami sa faculty.


Nang ma-approve na ito, nagstart na ang event, ang hindi ko akalain naman ngayon ay kasama ang buong school ng alternative namin, lahat ng mga babae ay nasa event din. 


"Ay oo nga pala no? Hindi namin nasabi sa inyo? Kasama rin yung mga babae sa high school." sabi ni Ma'am. 


"... Grabe ma'am ah... napagkasya lahat..." komento ko. 


Dahilan Kung Bakit Mahal Kita [COMPLETE] (boyxboy)Where stories live. Discover now