Chapter 7 - Kamay

2.9K 108 4
                                    

"Hay nako, sige kahit ano na gawin mo sa kanya. Sige lang." sabi ni Trixie't sinipa ako ng isang lalake sa tiyan at napahiga ako sa sahig, buti na nga lang hindi ito basa. 


Tinanggal nila yung sling bag ko't ID hanggang sa tinanggal nila yung butones sa aking polo na nagpakita ng aking dibdib.


"Mf!" Sinubukan kong makawala pero yung isang lalaki naman ay ibinaba ng husto ang aking ulo ng ipinunta niya ito sa kanyang pantalon at itinapat niya ito sa aking mukha. 


Nanlaki ang mga mata ko't biglang nag-ring yung phone ko mula sa aking bulsa. 


Napatigil sa mga galaw yung dalawang lalake't kinuha nila ang phone ko mula sa aking bulsa't mas lumakas ang tunog nito.


"Patayin niyo 'yan!" sabi ni Trixie't rineject nila ang call na kung sino man ang tumatawag na iyon.


Matapos ay sinimulang himasin ng lalaki ang ating katawan, nabababuyan at nandidiri ako't nakikiliti. 


Ayoko nito, nakakatakot tingan. Hindi ko nalang namalayan na ilang segundo lang ay nagluluha na ako't sumisigaw ng makakaya ko pero wala akong mailabas na maiingay na tunog para sumaklolo.


Nanlaki ang mga mata ko ng kanilang hinimas ang aking umbok, ayoko na, nakakdiri na, tama na... '... Tulong...' bulong ko sa sarili ko...


Bago pa nila tanggalin mula sa aking pantalon ang naka-unbuckle kong belt ay may narinig ako na sigaw mula sa labas, "Jaden!? Jaden! Nandyan ka ba?" tanong na malakas na nanggagaling sa labas pero hindi ko alam kung kanino ito galing.


"Jaden!" at narinig kong isang sipa sa pinto. 


"Tsk!" narinig ko ang malakas na tunog mula kay Trixie at palakas ng palakas ang sipa na nagmumula sa pinto at ilan pa ay nagbukas ito't nakita ko si Chad na hinahabol ang kanyang hininga at napatingin ang dalawang lalake at si Trixie kay Chad.


"Bitawan mo siya!" sabi niya't tinulak si Trixie tsaka sinipa ang dalawang lalake na nasa ibabaw ko. 


"Okay ka lang?... Nandito na 'ko..." sabi niya't pinaupo ako. Nanginginig ako ng hinawakan niya ako dahil sa mga ginawa nung dalawang lalake kanina. 


"...Mhf..." bigkas ko ng sumandal ako sa kanyang dibdib.


Sunod na tinanggal niya yung nakatali sa aking bibig at sa aking mga kamay at bigla akong kumapit sa kanyang balikat at hinigpitan ito sabay bulong ng, "... Tulong..." at tsaka ng ilang tunog ng aking iyak.


"Oo, okay na okay na, nandito 'ko..." bigkas niya ng inayos niya yung aking butones sa aking polo at kinuha ang bag ko tsaka inilagay sa aking balikat, pati na rin ang ID ko. 


"Tara, alis na tayo dito. Pero bago yun..." sabi niya't tumayo at humarap kay Trixie.


"Mahiya ka naman. Hindi ka nga lang babae, mas nakatatanda ka pa tapos gaganyanin mo ang isang lalake, tapos first year pa." sabi niya't ramdam ko na binigyan niya ito ng masamang tingin bago niya ako binalikan at ibinuhat.

Dahilan Kung Bakit Mahal Kita [COMPLETE] (boyxboy)Where stories live. Discover now