Chapter 3 - Heartthrob

4K 109 7
                                    

Sumunod na araw ay dumating na ako sa school ng maaga't nakita ko sina Paulina, John, at Veri na nagkukuwentuhan. "Morning." bati ko. "Morning, Jaden." bati ni Paulina. "Morning." bati nina Veri at John. "Musta ka?" tanong ni Paulina na may tonong pag-aalala.


"Okay lang. Nakatulog naman ng maayos." sagot ko.


"Ah... sorry ah, wala kami masyadong matulong kahapon." sabi ni Paulina na may kaonting pagsisisi. Nginitian ko siya't sinabi, "Ano ka ba, okay lang yun. Alam ko namang wala na rin naman akong pag-asa sa kanya, kaya dedma nalang." bigkas ko.


"Ay ganun..." sabi ni Paulina't napatahimik ang tatlo sa harapan ko bago ako umupo. "Kayo naman oh, aga aga ako agad inaalala niyo." bigkas ko. "Eh mukha mo palang kahapon halatang nasaktan ka eh." sabi ni Veri.


"Oo nga, nasaktan nga ako kaso... nasa likod ko na'ng lahat ng yun. Hayaan mo na siya, may sarili na siyang buhay." bigkas ko naman. 


"Teka lang ah, punta lang ako washroom." sabi ko't lumabas ng classroom para pumunta sa banyo't naghilamos.


Pagkatapos kong basain ang mukha ko'y kinapa ko ang bulsa ko ngunit wala akong nararamdamang panyo. Naiwan ko ata sa classroom, naisipan ko na lamang pumunta sa isang cubicle at kumuha ng tissue pero bago ito nangyari, isang panyo ang nasa harapan ko.


"Ito oh." dinig ko't nanlaki ang mga mata ko ng hindi ko napansin ang isang lalaki sa tabi ko. Nagulat nalang ako't kumuha ng isang hakbang patalikod mula sa kanya. 


"Ay- sorry... nagulat ata kita. Kanina ka pa kasi kapa ng kapa ng bulsa mo." sabi ng lalake.


Nakangiti siya sa akin, naka-slicked back ang buhok niya, matangkad, halatang may pagkalaki ang katawan, kasing-tulad ni Chad at maayos ang itsura niya sa uniform namin. 


"Oh." sabi niya't kinuha ko ang panyo. "Ah- s-salamat..." at pinunasan ang mukha ko.


"... Jaden?" tanong niya't napatingin ako sa kanya. "Ah-" napatahimik ako kung papaano niya nalaman ang pangalan ko. 


"Ay- sorry... nakita ko kasi ID mo." sabi niya. 


"..." Talagang napatahimik ako habang naghuhugas siya ng kanyang kamay. 


"... I-ikaw...?" tanong ko ng pangalan niya.


"Lawrence." sabi niya, parang very fitting considered na napaka-gentleman ang look niya na may halong suave at fierce. 


"Sige, um, sorry ginamit ko pa panyo mo." sabi ko. "Okay lang, meron pa naman akong dinala na isa para mamaya. Sige, kita nalang tayo ulit." sabi niya't tumungo sa pinto. 


Pero pinigilan ko siya sa mga salita ko ng ilang segundo, "Ay- hinde, ito na yung panyo mo oh." bago ko pa man siya marating sa pinto ay sinabi niya sa akin na, "Hindi na, sa'yo na yan." at umalis na siya.


Parang napaka-awkward ng moment pero at least hinighlight ko nalang is yung pagiging matulungin niya. Nakarating ako sa classroom at nakita ko sina Mica at Peter kasama nila Paulina. 

Dahilan Kung Bakit Mahal Kita [COMPLETE] (boyxboy)Where stories live. Discover now