Chapter 4 - Kaibigan

3.7K 105 7
                                    

Ilang oras ang lumipas ay nagising ako sa ingay ng aking cellphone. Paggising ko'y pinatay ko ang alarm ng aking phone at tsaka pumunta sa banyo para magbihis. Ilang saglit ay lumabas ako ng may pang-alis na shorts na khaki ang kulay, sandals, at green na shirt, pagtingin ko sa salamin ay mukha akong sundalo.


Nag-ayos ako ng buhok ko't narinig ko si ate na tumawag sa akin, "Oh, lalabas ka?" tanong niya. "Ah, oo. Nag-aya yung... kaibigan ko na kumain kami sa labas." sabi ko't ang sagot naman niya ay, "Ahh. Sige. Ingat ka." at bumalik siya sa kanyang paghiga sa kama't ako'y umalis na matapos kong makuha ang susi ng kwarto, cellphone at isang panyo.


Pagdating ko sa lobby ay sakto lang pala ang pagdating ko. "Jaden." tawag sa pangalan ko't nakita ko si Lawrence na nakabihis ng blue na polo na nakabutones, puti na shorts katulad ng akin at sandals din. Pero tingin pa lamang sa kanya ay mas bagay sa kanya ang suot niya.


Napabuntong-hininga ako't tinanong niya ako, "Tara?" at tumayo na ako't tumango tsaka kami tumungo sa labas at naghanap ng makakainan. 


"Saan mo ba gusto?" tanong niya. "Hmm... kahit saan... baguhan lang naman kasi ako rito kaya... wala pa akong alam dito na masarap na makakainan." sabi niya. 


"Ay talaga? Sige may alam ako na makakainan natin. Paborito ko 'to." sabi niya't sinimulan niyang maglakad habang sinusundan ko siya.


Naalala ko nakatataas nga pala siya sa akin, 3rd year balita ko kina Mica. Pagdating namin sa isang karinderya ay sinalubong kami ng isang napakatangkad na lalake, halos isang ulo ang tangkad niya mula kay Lawrence, at aaminin ko may itsura rin siya.


"Uy Lawrence, buti nakabalik ka na. Miss ka na ni lola!" sabi ng lalake. 


"Sino yan? Bago mo?" tanong ng lalake sabay tingin sa akin. "Ha? Hinde. Kaibigan ko." sagot ni Lawrence. 


"Ooh. Oh, sige sige, upo kayo." sabi niya't umupo kami sa isang bakanteng table na may dalawang upuan na nakaharap sa isa't isa.


Napatingin kami sa menu na nasa pader sa taas ng counter at tsaka nagdesisyon matapos ang ilang mga segundo lamang. 


"Yung Bangus-steak po sa'kin." bigkas ko. "Adobo." sabi naman ni Lawrence at tumango ang lalaki kaninang bumati sa amin at bumalik sa kusina.


"Ah, oo nga pala. Siya si Edward. Nakilala ko siya nung first year pa lang ako dito." bigkas ni Lawrence. Ilang minuto lamang ang lumipas at dumaitng na ang order namin at ipinakilala ako ni Lawrence kay Edward, "Edward, si Jaden." banggit ni Lawrence. 


"Minsan kapag balak niyo mag-lunch ng mga kaklase mo, dito kamo sila." sabi ni Edward sabay ngiti ng malaki tungo sa akin.


Tumango ako't nagsimula na kaming kumain matapos bumalik si Edward sa kusina. Nagsimula kaming mag-usap ni Lawrence. "Mga kaibigan mo yung kaninang kasama mo diba?" tanong niya.


"Oo. Mga kaklase ko rin yun. Ikaw rin siguro no?"


Dahilan Kung Bakit Mahal Kita [COMPLETE] (boyxboy)Where stories live. Discover now