Chapter 3 - Aalis?

7.4K 370 56
                                    

Alex's POV

"Ate Venise!" sigaw ko para mukha ang atensyon ni Ate Venise na nakita ko dito sa campus ng Masllavine at nakikipagdaldalan kung kanino. Si ate Venise ay isa nang model slash CEO ng kanilang company. Sabagay, bagay naman sa kanya because she is a great leader kahit dito pa noon sa Masllavine.  Take note babae pa yan, kalimitan sa mga CEO eh lalaki.

"Kyaaaahhhh! ALEXXXXX!" sumigaw siya ng pagkalakas-lakas at tumakbo papalapit sa akin.

At ayun pala ang kausap niya ay sina Kent at Sean. Si Kiel naman three days ng hindi napasok dahil may sakit tapos si Rico... expect niyo ng sa dulo na naman yan dadating -___-

"I miss you Alex!" sigaw niya pa rin kahit na magkaharapan na kami. Niyakap niya ako at hindi pa nakuntento kaya pinaghahalikan na ako sa pisngi!

"Makakiss ah" sabi ko habang natatawa at nakitawa na lang din siya.

"Kamusta ka na dito Alex? Kayo ni Zyron? Kayong lahat?" sunod-sunod nitong tanong kaya medyo na
napakamot ako pero iisa lang naman ang sagot sa lahat ng yan eh.

"Ayos lang" sagot ko "Eh ikaw kamusta pagiging CEO mo... nuks namen!" kantyaw ko kaya natawa siya.

"Baliw! Ayos lang naman kahit puro problema sunod-sunod naayos ko naman" sagot niya, diba! Ang cool lang!

"Parang hindi ka nahihirapan ah?" giit ko at napaangat ang isa kong kilay kaya hinampas niya ako at natawa na naman. "Hindi bihira ang pagiging CEO sa isang company Alex pero dahil base om experienced na din eh nakakaya ko... By the way I'm here para i-excuse si Kent for... mm.. I think mga 5 months? I guess" aniya at nag-isip... i-excuse si Kent ng 5 months?! Wat the.

"I-excuse? Ng limang buwan... baket?" tanong ko at napalanghap siya doon ng hangin.

"May pag-uusapan ang family namin na mga taga ibang bansa na CEO's ng isang company para sa proposal... parang business trip" sagot niya... hindi ba ganoon din ang dahilan kaya aalis si Zane?

"Ate Venise, alam mo si Zane mawawala din siya at dahil yun sa business trip din nila ni Mr.Jimenez... bakit parehas kayo? I mean---"

"Yah, kasama namin ang mga Jimenez ... pero si Zane lang pala ang isasama ni Tito? Akala si Ziann din eh kasama" sabi niya at nag-isip pero maya-maya pa iwinagayway niya ang kamay niya sa harap at ngumiti.

"Pero ito ang maganda.... pupuntahan namin si Hera! HAHAHAH! Magkikita yung dalawa" habang sinasabi yan ni Ate Venise mukha siyang nasasapian na ewan. Pero pagkabanggit ni Ate Venise sa pangalan ni Hera ay bigla ko siyang namiss.

Ilang araw ko na kasing hindi nakaka skype or video call si Hera dahil busy siya sa final examination nila doon sa pinapasukan niyang school.

"Pero nakakamiss si Hera ano? Nakakamis yung pagiging bungangera niya" nahawaan ata si Ate Venise sa emo ko kaya nag-iba ang mood niya.

"Oo nga eh.... Pero sana sa pagpunta niyo doon eh magkasundo na ulit sila ni Kent hehehe" giit ko kaya nag-iba na naman ang eksena namin hanggang sa tumingin si Ate Venise sa relos niya at sinabing pupunta pa siyang office niya.

Kaya ngayun emo ako dahil loner na naglalakad, kung tinatanong niyo asan si Zyron... ayun! Sinabi ko sa kanya na hangga't hindi siya nag-aaral para sa exam nila eh hindi ko siya papansinin kaya siguro nasa library yun at nag-aaral..

Si Zyron nasa library?! At nag-aaral pa?!

Oh diba ang bongga.. Kaya doon ang punta ko. Isa pa tuturuan ko pa siyang mag-aral dahil hiningi niya ang tulong ko at syempre pumayag ako, uto-uto ako eh -___- sinuhulan kasi ako ng pikachu na stuff toy.

MANBT (book two) Love or Lie?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon