Special Chapter 17 - Hera and Daryl's Chapter

817 39 3
                                    

Daryl's POV

Ting ting ting ting tin-----

"Hindi sira ang doorbell ko naririnig ko -__-... ano na naman bang kailangan mo?"

Tinignan ko siya ng walang emosyon sa mga mata yung usual kong pagtitig sa iba, yung iba dahil sa mga titig ko na 'to lumalayo na sila pero iba ang epekto kay Hera.

"Ahehehe... ano kasi... ah ehh"

Napatingin ako sa pinto ng unit niya.

"Nalimutan ko sa loob yung susi eh hindi de password yan eh kasi makakalimutan ko rin hehehe" sagot niya. Yung pinto kasi ng bawat unit dito pwedeng password ang lock pipindutin mo yung maliit na screen sa pinto ng unit mo yung iba naman key talaga dahil nalilimutan ang password.

"So?" tanong ko ng nakapamulsa.

"Ano..... kakapalan ko na mukha ko" lumanghap siya ng hangin nun saka tinignan ako mata sa mata "Pede makituloy muna ngayong gabi lang dyaan sa unit mo? Huhuhu T_T please na Daryl! Mamaya pa daw mga 10:00 pm mabubuksan yung unit ko kaya sige na huhuhuhuhu Daryl!" nagsimula na siyang magmakaawa sa akin nun.

"Ayoko" sagot ko kaagad, sasaraduhin ko na sana ng pinto ng harangan niya yun ng isa niyang kamay.

"Ayaw mo ba talaga?"

-.-

"Oo"

"Sure ka.... ayaw mo? May dala akong chocolates dito baka gu----"

"Hindi ako mahilig sa matamis"

"Eh? Masarap kaya ang matatamis.... kung ganun, aha! Baka gusto mo ng maalat dahil ayaw mo ng matamis wait yung laway ko maalat baka gusto mo na n-----"

Booooggshhh!

Walang kwenta kausap ang babaeng yun kahit kelan, bakit ba hinayaan ko siyang kilalanin ako? -___- dapat hihingi lang ako ng tawad dun eh.

Ting ting ting ting ting tin-----

Sinalpakan ko na lang ng earphone yung tenga ko at pumuntang kusina para uminom ng kape.

.

.

.

.

Hindi ko maiwasang isipin kung ano na bang kalagayan ni Hera ngayun kaya sumilip ako sa screen na nasa gilid ng pinto ko.

Nandoon siya sa tabi ng pinto ng unit niya nakaindian sit at kumakain ng mga binili niyang chocolates na paubos na.

"Pasaway talaga" giit ko na lang.

........

Naghahain na ako ngayun ng kakainin ko ngayung gabi, hindi ko namalayang naparami pala ang luto kong kanin at ulam.

"Sayang naman kung mapapanis lang 'to" biglang sumagi sa isip ko si Hera, kahit ayaw ko siyang papasukin dito no choice.

Hera's POV

"Pabebe talaga kahit kelan yung lalakeng yun hmmp! Magkapatid nga sila ni Kent" asik ko, hindi ko na alam itsura ko ngayun dahil nakaindian sit ako sa tabi ng pinto ng unit ko nag-aantay na mabuksan na at kumakain ng bili kong chocolates.

"Akalain mo ba namang tinanggihan yung karisma kong pagpapacute! Aba!"

Bumukas yung unit niya at hindi na ako nagabalang tumingin pa dahil hindi naman din niya ako papasukin.

Makakain na nga lang ng chocolates. Psh.

"Do you want to eat?" napaangat ang tingin ko sa nagtanong na nakatayo sa harapan ko na nakapamulsa at sino pa bang laging nakapamulsa dito?

MANBT (book two) Love or Lie?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon