Special Chapter 14 - Hera

2.1K 88 37
                                    

Hera's POV

"Bye!"

Nagpaalam na ako sa kaklase kong si Gina na isa ding pinay kagaya ko, so siya ang lagi kong kasama since kami lang yung nagkakaintindihan.

Brrr, ang lamig geezz.. sinuot ko ang gloves ko bago lumabas sa campus, walking distance lang naman ang condo ko kaya okay na kahit maglakad lang.

Ilang taon na nga ba? Ilang taon na akong nawala sa Pilipinas? Siguro iilan sa inyo readers nagtataka kung bakit hindi na ako nagpaparamdam ng pagiging bungangera hahah! Well, nandito ako sa Paris para mag-aral dahil soon isasabak na din ako ni Dad sa mundo niya.

Venise ang peg ko!

"Ooww!" nabigla ako nung nalaglag ang shoulder bag nadala ko kaya naupo ako't kinuha iyon.

Naaahh! Buset naman nagkalat pa yung mga nasa loob ng bag ko.

"Hah?" kumunot ang noo ko at tinignan yung tumulong sa akin.

Kaso iba ang trip niya, Goth ata siya haha! All black eh tapos naka hood pa hindi nagpapakita ng face.

"Thank you" pasasalamat ko, tumango lang siya habang inaabot ang isa ko pang gamit na pinulot niya.

So sinamantala ko ang chance na yun para tignan ang mukha nya mabuti.

"You look familiar..." giit ko.

Lumayo siya sa akin ng kaunti kaya lalo akong nagtaka, napapikit ako ng may sobrang lakas na hangin ang pumagaspas sa paligid...

Brrrr! Super lamig na naman buset -__-

Dali-dali akong nagmulat ng mata at tinignan ulit yung guy..

O.O

What the.. hell.

Kumurap-kurap ako para makasiguradong hindi ako namamalik-mata lang! Kinusot-kusot ko pa yung mata ko at nilakihan para lang makasigurado ako!

Siya nga! Omg!

Lumayo ako, ini-cross ko ang mga kamay ko!

"Huwag kang lalapit! Sige ka sisigaw ako kapag lumapit ka! Dyaan ka lang!" sigaw ko sa kanya, tumingin lang siya sa akin nun. Cool lang siya mga bes, pero ako halos mapaupo sa panlalambot ng mga tuhod ko!

Lumapit siya sa akin kaya naalarma ako, sana hindi pa ito ang katapusan ko! Forward siya backward ako, two times yun!

"I-Isa! Kapag lumapit ka pa.... kapag lumapit ka pa sisigaw na talaga ako!" banta ko, tumigil siya sa paglapit tapos...

Ehh?

"Hoy tumayo ka nga dyaan! Ano bang ginagawa mo?!" sigaw ko, bigla ba naman kasing lumuhod?! Duuhh ang daming tao ang nakapaligid sa amin.

"I'm here to apologize... sorry for everything, sorry for my bad attitude and sorry for hurting you and your friends.. I'm sorry"

I can't believe this, ang isang kriminal lumuhod sa harapan ko? Si Daryl kasi 'to, alam ko ding isang taon lang ang sintensiya sa kanya nina Kent at Venise dahil siguro sa kadahilanan na kapatid nila yan.

"Alam ko.. walang kapatawaran ang nagawa ko sa inyo pero since ikaw ang unang nakita ko dito sa unang araw ng paglaya ko eh humihingi na ako ng tawa----"

"Aissshh! Wag dito ang daming nanonood oh nagiging live show 'to! Isa pa tumayo ka dyaan malamig mamaya magkasakit ka pa konsensiya ko pa kapag nagkataon" hinila ko ang isa niyang kamay at pinilit itayo habang natingin sa paligid at asiwang ngumingiti sa mga nakikinood.

.

.

.

.

MANBT (book two) Love or Lie?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon