Chapter 8 - Saphire Mukhang Pagkaen.

5.3K 300 24
                                    

Alex's POV

"Tss ano ba yan ... akala ko si Sean lang ang permanente dyaan sa Pilipinas -___- edi sino na magbabantay sa iyo niyan kapag nanlalake ka!"

"Aba siraulo ka ah! Nanlalake ka dyan!"

Tumawa si Zyron mula sa natatanaw kong screen dahil magka video call na naman kami, sabihan ba naman akong nanlalalake.

"Joke lang! .... ito naman ang bobo talaga, pero alam mo kasi paslit aminado naman akong maraming nagkakagusto sa'yo ----- pero hindi ka pa rin maganda wag kang assuming" sabi niya saka tumawa kaya napairap ako, ang aga-aga nambubwisit psh.

"Kapag ako nanlalake dito tignan mo... makikita mo talaga" banta ko sa kanya.

"Biro nga lang kasi! Kapag nanlakake ka dyaan patay ka sa akin makikita mo din" sabi niya.

Ngumisi naman ako sabay sabing "Sige manlalake ako para makita yung dapat kong makita .... nakaka curious eh!"

Tignan naten hahahaha!

"Hoy wag na! Hindi na! .... wala na akong maipapakita!" sigaw nito saka ako tumawa.

"Hoy paslit walang nakakatawa ah! Huwag kang manlalake dyaan!" sabi niya pero tinawanan ko lang siya.

"Ahahaha! .... okay, tama na." pagtigil ko saka nagseryoso ulit "Pero alam mo Zyron may nakilala akong lalaki na mas malala sa kabobohan, pagkaisip-bata, at katangahan mong mga ginagawa! Promise mas--- pinakamalala siya!"

Simula ng makausap ko yung Raven na yun talagang hindi mawala sa isipan ko yung mga kabaliwan niyang pinagkakagawa na di-hamak mas malala sa mga kabaliwan ni Zyron sa buhay.

"Lalake?! Uyyhh paslit layuan mo siya!" sigaw niya tapos napa face palm ako sa pagiging oa niya sa pagbawal sa akin.

"Sira! .... Wala kang dapat ipagalala sa paglapit ko sa lalaking yun dahil hindi yun matured mag-isip at saka sa tingin ko hindi ko yun magugustuhan dahil bobo siya! Ahahahahahahaha!"

"Sige tawa pa" sabi ni Zyron sa screen.

"Sus nagseselos ka lang eh! ... kasi mas natatawa ako sa kabobohan ng lalaking yun kesa sa kabobohan mo" giit ko saka nagpunas ng luhang lumabas sa pagtawa ko.

"Oo nagseselos nga ako" natigil ako nun ng magseryoso ang pananalita niya at ang mukha niya.

"Haha.. ano ka ba Zyron hindi mo dapat pagselosan ang lal---"

"Pero yung fact na mas natutuwa ka sa kanya kesa sa akin.... nakakaselos yun Alex" natigilan ako muli sa sinabi niya.

"Hindi mo kasi alam yung feeling na ang gusto ko... sa akin lang magmumula yang dahilan ng pagngiti mo, alam kong napaka possesive ng dating nun para sa'yo pero ang gusto ko ako lang yung dahilan ng pagtawa at pagngiti mo.... nakakaselos kapag malalaman kong may iba pa palang pwedeng magpangiti sa iyo ng ganyan"

"Yung ngiti mong kasing yan ay isa sa pinakaimportanteng bagay sa buhay ko"

Pagkasabi niya nun wala na, lahat ng kalokohang tinayo ko sa katauhan ko ay nasira at biglang gustong mag-iiyak dahil sa mga sinabi niyang talagang nakapagpaginhawa sa puso ko.

Bumuntong-hininga ako at ngumiti.

"Wag ka na magselos ..." sabi ko sa kanya at nagpacute... unting pacute ko lang dito keri na.

"K fine -__- pero sino ba kasi yung lalaking yun?" tanong niya.

"Raven... yun ang alam kong pangalan niya dahil yun yung tinatawag sa kanya ng mga kaibigan niya" sagot ko.

MANBT (book two) Love or Lie?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon