Chapter 4 - Your Choice.

6.2K 345 54
                                    

Zyron's POV

"Nasabi mo na ba?" tanong ni Zane.

"Ang hirap naman kasi Zane" sagot ko saka naglakad-lakad.

Nasa garden lang naman kasi kami.

"Kaya nga sabihin mo na ng mas maaga" giit niya kaya lumanghap ako ng maraming hangin.

"Eh kasi namam ang usapan hindi ba ikaw lang ang aalis ng Pilipinas? Bakit naman kailangan kasama pa ako at si Ziann eh" sabay ginulo ko yung buhok ko at sumalpak sa upuan.

"Zyron hindi mo ba naisip?"

Tumingin ako sa kanya.

Anong hindi ko naiisip?

"Na ano?" tanong ko.

"Zyron hindi lang dapat present ang iniisip mo, kailangan mo ding isaisip ang future..... kaya kasama tayong tatlo ay para mahati ang shares sa yaman na meroon si Dad at malaman kung sinong sasalo sa pagiging CEO ni Dad sa company naten at kailangan na ng mga bagay na 'to dahil malapit na tayong magtapos ng college Zyron... pagkatapos nating mag college as usual na magpapakasal kayo ni Alex at kapag kasal na kayo magkakaanak na kayo at para sa gastusin niyo kailangan mong kumayod para sa kinabukasan niyang mga magiging anak mo... Zyron mahalaga ang future"

Nanahimik ako ng ilang segundo tapos lahat ng sinabi ni Zane nag sink in na sa kokote ko..

Tama! Mahalaga ang future hindi lang present.. lalo naman ang past!

Dahil past is past xD

Pero yun na nga kailangan ko sabihin kay paslit na aalis ako ng Pilipinas para sa future namin at mga magiging anak namin. Kailangang habang maaga pa may plano na ako para sa kinabukasan naming dalawa!

Tama!

(A/N: Zyron is dat u?)

Heh manahimik ka dyan awtor!

"Tama ka Zane! Tama ka dyaan kapatid" sabi ko ng tumitingin kay Zane ng seryoso tapos tinapik-tapik ang balikat niya.

"Nag matured ka na din finally -__-" sabi niya kaya medyo kumunot yung noo ko...... isip bata ba ako? Hindi naman ehh!

############

"Hoy Zyron" napatigil ako sa ginagawa kong paglikot-likot ng kamay ko sa ilalim ng mesang ito kung saan kasama ko si paslit na kumakain.

"Ano?" tanong ko.

"Ayawa mo ba niyang pagkain mo hah? Kung ayaw mo ako ng kakain sayang din ito sa ano ang dami kayang taong nagugutom tap----"

"Hep hep hep!" kinuha ko yung kamay niya na bitbit ang plato ko na may lamang pagkain "Masyado ka ng mataba para kumain pa lalo ano, paslit diet diet din 'pag may time" sabi ko sa kanya tapos siya naupo na lang at napa irap.

Nilagay ko muna sa mesa yung plato ko tska siya tinignan.

"Order na lang ako ng bagong pagkain para sa iyo?" tanong ko sa kanya kaya tumingin siya sa akin na nakangiti tapos smiling eyes ..

Hindi ko naman matitiis si paslit eh! Kahit pa ayokong lumobo siya ng lobo eh wala akong magagawa kung gusto niyang palaging kumain.

"Wag na pero thank you pa rin! ^__^ tska tama ka naman eh baka tumaba ako lalo edi hindi na ako qualified sa contest na gusto kong salihan yung gun battle contest hayyss kaya buti na lang inasar mo ako ng gan------"

"Paslit sabi ko wag kang sasali sa contest na ganon!!!!!" malakas kong sigaw yung for sure na talagang maririndi siya sa lakas, narindi nga siya pati na yung iba na nandirito sa cafeteria.

MANBT (book two) Love or Lie?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon