Chapter 11 - Mafia!

7.5K 332 209
                                    

Alex's POV

"Hindi ka nakain nito?" tanong ko kay Saphire.

Umiling siya nun, pero todo kung makatingin sa hawak kong balot.

"Sure ka?" tanong ko ulit.

"Eh kasi..... bakit ganyan yung itsura?" tanong niya habang nakaturo doon sa balot na binalatan ko na.

"Sisiw kasi yan" sagot ko.

"Sisiw?! Waaaahhhhhh! Kinakain mo yung sisiw Mik-- este Alex! Wahhh" sigaw niya na sobrang oa, at akala ko pa naman porke mukha siyang pagkaen eh kahit anong pagkain pang aalukin mo eh magugutuhan niya. Ayun pala hindi -__-

"Pero niluto na kasi Saphire!" sigaw ko tapos tinignan niya ako sabay doon sa balot na hawak ko.

"Ah ganun ba?.... bakit hindi naging parang yung usual na nilagang itlog? Ganun ba, eh bakit yaan may itim pa?"

"Yan nga kasi yung sisiw.... itong balot iba ito sa nilagang itlog" giit ko.

"OMG! 6__6 ano yan?!" sumulpot yung bading--- este yung Yugi sa harapan namin ni Saphire, anong ginagawa niya dito? Bawal outsider dito ah?

"Anong ginagawa mo dito Yugi?" tanong ni Saphire.

"Pinatawag ako ni Raven.... samahan ko daw siya bumili ng bagong kotse since magaling akong pumili pagdating sa mga ganyang bagay like damit, perfumes, or what" giit nung Yugi saka nag cross arms, para talaga siyang bading! Promise.

"Ah... by the way about kay Raven, hindi yun pumasok ngayon ah" giit ni Saphire, oo nga hindi pumasok yung lalaking yun ngayun. Ano kayang kabaliwang nangyare doon?

"Abay malay ko Saphire hindi ako ang butler or guard ni Raven.... by the way I'm Yugi Dokomo half Japanese and half Filipino ako" sabi ni Yugi na ngayu'y ako ang kinakausap and offering me a hand shake.

"I'm Ale----"

"I know na kilala ka ng iba as Alexandra Guevara but for us... you are Mikey Lopez" aniya at may namuong katanungan sa isipan ko nun.

Bakit kinikilala ako nila Saphire bilang Mikey Lopez? Anong meron at kilala nila ang tunay na ako?

"Matanong lang.... papaano niyo ako nakilala? ---- I mean, papaano niyo nakilala ang tunay na ako?" tanong ko saka tinignan si Yugi ng seryoso gayundin kay Saphire.

Namuo ang katahimikan sa pagitan naming tatlo para bang walang magbabalak na magsalita.

"Kilala namin ang tatay mo" sagot ni Yugi.

"Ang tatay ko? ...... papaano?"

Bumuntong-hininga yung Yugi tapos tumingin kay Saphire at tinanguan ito.

"Napapailalim din kami sa Mafia family Mikey" sagot ni Saphire na ikinagulat ko. So mga anak mafia din sila gaya ko? So dapat mag-iingat din ako sa kanila? Walang pinipili ang mga mafia pagdating sa kalaban.

"Pero please 'wag mo kaming ituring na kaaway Mikey.... napapailalim din kami sa Mafia family but it doesn't mean na kagaya namin ang angkan namin" giit ni Saphire, na ngayun ko lang nakitang nagseryoso.

"Kaibigan ang turing ko sa'yo Mikey wala akong intensyong maging kaaway mo Mikey, instead I choose to be your friend" sabi ni Saphire, nakikita ko yung pakikiusap sa mga mata niya kaya napatingin naman ako kay Yugi.

"Same.... isa pa baka magkaroon pa ng galos ang beautiful face ko sakaling kaawayin pa kita ano! Sabi kasi nila magaling ka sa paghawak ng baril at martial arts kaya no thanks na lang teh" aniya saka napairap.

"Friend pa rin tayo Mikey ah?" giit ni Saphire saka nilapitan ako, tumango ako as an answer kaya yumakap siya sa akin.

"Waaahhhh! Thank youuuuuu! T^T"

MANBT (book two) Love or Lie?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon