Chapter 9 - Raven and his friends.

5.3K 285 22
                                    

Alex's POV

"Saphire saang club ka nga pala sumali?" tanong ko, kasama ko ngayun si Saphire since magkaklase kami sa lahat ng subjects.

"Dance club! ^___^" sagot niya at napa 'ehh?' ako kaya kumunot yung noo niya.

"Baket? Panget ba yung club na yun?" tanong niya saka ako umiling.

"Hindi naman.... wala kasi yung mga pinakamagagaling na members ng dance club na yun kaya sa tingin ko tulog sa up coming events ang club na yun" sabi ko, kasi wala si Sean tapos sina Hera, Kent, Kiel tapos yung tatlong hudas.

"Eh nasaan sila?" tanong niya kaya medyo nalungkot ako.

"Mike--- este Alex, ayos ka lang?" tanong niya, tapos doon ko napagtantong napatigil ako sa paglalakad kaya siya nagtanong kung ayos lang ba ako.

"Ah.... oo ayos lang" sagot ko at nginitian na lamang siya.

"So balik tayo sa tanong ko... asan yung mga magagaling na members nun? Nasasayangan ako kasi naman gusto ko palaging may thrill sa dance stage kapag sasabak ako, gusto kong makalaban yung mga pinaka! Pinakamagagaling" sabi niya, sa tingin ko magaling sumayaw si Saphire kaya ganun siya kadeterminado sabihin yung mga gusto niya daw kuno.

"Mga kaibigan ko sila sa totoo lang.... pero umalis na sila dahil may kanya-kanya silang problemang inaayos yung iba naman pinupunan nila yung dream nila" sabi ko.

"Pero iniwan ka nila? Akala ko pa naman loner ka dito sa kabaliwan mong yan pero ayun pala marami kang kaibigan gaya ng inaasahan ko" aniya.

"Hindi naman nila ako iniwan Saphire... sadyang gusto lang nilang ma-fulfill yung mga gusto nila sa buhay isa pa ayos lang naman sa akin yun" sabi ko sa kanya kaya napatango-tango siya.

"Pero atleast dumating naman ako para damayan ka sa mga kalokohan mo di'ba? Hahahah" saka niya inangat-baba ang kilay niya sa akin kaya napahalakhak ako ng mahina. Siraulo hahaha!

"Oo para IDAMAY AKO, correction lang.... para idamay ako dyaan sa mga kalokohan mo" pagbabaliktad ko sa sinabi niya sa akin kanina kaya nagsitawanan kaming dalawa.

Siguro nga tama siya, sa kabila ng pag-alis ng mga kaibigan ko ay dumating naman siya para palitan sila pansamantala.

Nasa kalagitnaan kami ng masasayang pagkukwento ni Saphire gaya ng noong bata pa daw siya palagi niyang pinapaiyak si Raven o di kaya'y inuututan daw niya! Imba!

Meron pa nga daw nung time na nakain si Raven ay nanghuli siya ng manok daw tapos pinagilitan niya sa leeg tapos ayun! Pinakita daw niya kay Raven na nakain that time yung manok na tulo yung dugo na mula sa pagkakahiwa nito sa leeg kaya nakatanggap daw siya ng malakas na hagis ng kutsara sa mukha niya gawa nung Nicholai daw na pinsan din nila.

"Sino yung Nicholai?" tanong ko.

"Ah... siya yung pinsan naming babae na sa pagkakaalam ko ay weirdo dahil bigla-bigla na lang susulpot sa harap mo at medyo hindi siya normal kasi isa siyang parang agent? Ganun ba" sagot niya, naisip ko yung babaeng maganda na astig na nagpapakamatay palagi dahil hindi uso sa kanya ang elevator or hagdan.

"Eh sino yung Zanorah? Kasi nung isang araw may babaeng weird na astig ang lumitaw sa harap ko tapos hindi ata uso sa kanya ang hagdan or elevator man" giit ko saka siya natawa.

"Hahahah! Tama! Hindi uso kay Nicholai ang mga ganun pati nga pinto eh, malimit sa bintana siya nadaan kasi mas astig daw siya doon. Si Nicholai yun, teka.... papaano mo siya nakilala?" tanong naman nitong si Saphire at may dinukot sa bulsa niya na pagkain. Mukha talaga siyang pagkain kahit kelan.

MANBT (book two) Love or Lie?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon