Chapter 10 - PANAGINIP

4.9K 302 28
                                    

Third Person's POV

"Can I talk to you Lopez?"

Walang nagawa si Gerard kundi ang iangat ang kanyang ulo dahil sa nakapulupot ang braso sa leeg niya ang kamay ng isang hindi niya nakikilala dahil bigla na lamang itong sumulpot at sinunggaban siya nito mula sa likod.


"Sino ka?" tanong ni Gerard.

"It's not the right time para malaman mo.... gusto ko lang ipaalam sa 'yo na ..... kung sakaling sasapit na ang panahon na kung saan mamimili ang kapatid mo sa dalawang desisyon..."

Biglang namuo ang katanungan sa isipan ni Gersrd sa sinabi ng taong yun na nanatiling mahigpit ang pagkapulupot ng braso nun sa kanya.

"Sinong kapatid ko? ....... Anong desisyon ang pinagsasabi mo?" tanong niya.


"Si Mikey.... 'wag mo isiping kalaban ninyo ako, isipin mo na lang na sinusubukan kong mailigtas yang kapatid mo.... kapag pumili na siya sa dalawang desisyon na yun, piliin niya sana yung pinakamahirap na desisyon dahil yun lamang ang tanging paraan para mabuhay siya"

Biglang pawang nakuryente si Gerard sa sinabi nung taong yun kaya hinawakan niya ang braso ng taong yun na nakapulupot sa leeg niya saka ito ibinalibag sa sahig...

Pero hindi pala basta-basta ang taong kausap niya at kaharap na niya ngayun.. puro itim ang suot nito at may mask na itim sa bibig pero tansiya niyang isa itong babae dahil sa pangangatawan nito.

Imbis nakasalampak sa sahig yung babaeng misteryoso ay nanatili pa rin itong nakatayo sa harapan niya.

"Kung sa pisikal na labanan ang pag-uusapan.... kayang-kaya kitang ilampaso Lopez" sambit nung babae.

"Sino ka ba? Bakit may sinasabi ka tungkol sa dalawang desisyong pipiliin ni Mikey pagdating ng araw? Ano bang alam mo" tanong ni Gerard sa babaeng misteryoso.

"Hindi ako kalaban Lopez..... gusto ko lang maisalba ang buhay ng kapatid mo dahil wala siyang kinalaman sa kalokohan ng pamilyang yun, pero kung sakaling dumating ang araw na yun.... piliin sana ni Mikey ang pinakatamang desisyon kahit na mahirap ito dahil hindi lang naman ito tungkol sa buhay ng kapatid mo pati sila" sagot sa kanya ng babae.

Kumuha kaagad si Gerard ng baril sa kanyang bulsa at itinutok gamit ang isa niya lamang na kamay ang baril sa babaeng misteryoso.

"Ipakita mo kung sino ka" sabi ni Gerard.

"Hindi mo kailangang malaman kung ano ang itsura ko Lopez...." sagot ng babae sa kanya saka ito mabilisang tumakbo.

Sinundan siya ni Gerard kahit na liblib ang lugar na kinapupwestuhan nila at marami ang mga karitong ginagamit ng mga tindero at tindera sa paligid.

Bantay sarado ng mga mata ni Gerard ang misteryosong babae ngunit ng nasa kalsada na sila ay may truck na dumaan saka ito tinalunan ng misteryosong babae at nakatungtong siya sa bubungan ng truck na humaharurot ang pagtakbo.

Walang nagawa si Gerard kundi pagmasdan yung misteryosong babae na nakatayo sa bubong ng mabilis na truck at unti-unti na itong nawawala sa paningin niya.

"Anong meroon kay Mikey na hindi ko alam?" tanong ni Gerard sa sarili at biglang nakaramdam ng kaba dahil sa maaring may masamang mangyari sa kanyang kapatid.

Kailangan kong alamin ito..

########

Alex's POV

"Tulungan mo 'ko"

May lalaki sa harapan ko pero...

Pero bakit ganoon?

MANBT (book two) Love or Lie?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon