Special Chapter 19

757 30 42
                                    

Daryl's POV

"Hindi ko alam kung ano ba ang balak mo na naman Rico.. Everytime we talk, maingat ka each words. Hindi ka ba nag-aalala na nakita ka na ni Hera?"

Narito ako ngayun, sa Laboratory niya. Kakausapin siya tungkol sa mga binabalak niyang hindi ko din alam.

Ang hindi ko lang maintindihan sa kanya, bakit itinatago niya sa mga kaibigan niya ang totoong mga pinagkakaabalahan niya sa ibang bansa.

"Magtatanong siya sa iyo ... pero ikaw ba Daryl" sabay humarap na siya sa akin. "Ilalaglag mo ba ako sa kanya?" tanong niya.

Pagkatapos niya tanungin iyon ngumiti na lamang siya dahil hindi ko siya sinagot.

"I know someday... malalaman din nila 'to, walang duda" giit niya habang abala sa pagtutok sa malaking screen niya dito.

"At kapag nalaman nila ito ... dun na lang ako magsasalita kung bakit, hindi ko lang naman ginawa 'to para sa sarili ko.."

Kilala ko si Rico, noon pa. Noong bagong kulong pa lang ako. Nabigla ako kasi nakita ko siya sa mga taong humuli sa akin, naroon siya sa likod ng isang pulis at nakasuot ng kanyang Lab gown. Kinausap niya ako noon sa confession room, na kaming dalawa lang. Oo kilala ko nga siya noon pa, pero kilala ko siya noon bilang kaaway dahil kaibigan siya ni Kent. Pero ngayun ... hindi pala siya basta si Rico lang. Misteryoso siya, isang napatalinong tao na kahit ako... hindi ko aakalaing masasaplano niya.

"Have a sit.." alok niya sa akin, naupo din siya at umihip ng kape. "Kamusta naman si Hera?"

"She's okay" tipid kong sagot. Kumunot ang noo ko dahil tumawa siya.

"I mean... the two of you" pagliliwanag niya.

The two of you?

"What do you mean?" tanong ko.

Ngumisi muna siya saka tumingin sa akin. "You and her , anong meron sa inyo?"

"Nothing... ano namang meroon sa aming dalawa tss" asik ko saka uminom na lamang ng kape.

"Maingay ano? ..." tanong niya at sumama lang ang mukha ko. Mukhang nakuha niya ang ibig kong sabihin kaya tumawa siya ng malakas.

"I know it men! ... Pero " biglang sumeryoso ang pananalita niya kaya tinignan ko siya.

"Uuwi ako sa pilipinas , sa makalawa ... may hindi magandang mangyayare doon. Lalo na kay Alex, alam ko pinuno siya ng security dahil sa pamilya niya. Pero, triple nun ang mga taong papatay sa kanya pati na sa pamilya niya. May nakuha akong mga clue na sumagot sa pagdududa ko sa negosyanteng yun at hindi ko inaakalang ayun pala ang habol niya kaya nagtungo siyang Pilipinas."

Natahimik ako sa mga sinabi niya, tumayo siya matapos sabihin iyon at may pinindot sa kanyang computer. Matapos nun, may lumitaw na litrato sa kanyang malaking screen.

"Siya si Scott, surname niya.... ang malaking banta sa grupo ng malalaking secret agent organization, kasama ako doon."

Matapos nun lumipat naman ang malaking screen sa isa pang litrato.

"at ito ang anak niya... si Raven Moon Scott, isa din siyang malaking banta para sa mga secret agent ... pero hindi ko alam, kung kagaya ba siya ng ama niya na may pagka psycopath na." paliwanag niya, pamilyar ang mukha ng lalaking iyon sa akin?

"at ang panghuli...."

Halos kumunot ang noo ko.

"Si Alex?" taka kong tanong habang nakatingin sa malaking screen.

"Hindi lang siya..." kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

This time hindi na litrato ang lumabas sa screen niya. Isa ng video, at mukhang kuha ito ng isang hidden camera.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MANBT (book two) Love or Lie?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon