Chapter 16

1K 40 4
                                    

Hera's POV

Tingin tingin lang si ako sa pictures namen nila Alex nakakaloka nahohome sick ako HAHAHAHA! Hayysstt anong oras na nga ba? Wala kasi kaming pasok ngayun kaya eto ako bored na bored, walang mapagkaabalahan.

"Bakit kasi andito pa ako sa Paris..." tumalon ako papunta sa couch ko saka kinuha ang remote nung flat screen ko at binuksan iyon. Nakakabored pa din -___-

Nagtataka siguro kayo sa inaasal ko ano? Kung bakit hindi ko ivideo call sina Alex kung gayong miss ko sila. Bawal kase, kase alam niyo yun though hindi ko sila kadugo pero ang turing ko sa kanila pamilya lalo na kay Alex, pero bawal ko talaga ivideo call si Alex baka kasi makita ko na lang ang mga sarili kong paa eh papunta na sa airport at sumakay na ng eroplano pauwi sa Pilipinas.

Bagot akong nakatingin sa palabas, pero maya-maya may nag advertise doon na pagkaennn!! Teka ano 'to ancute naman!

Tumayo ako at dali-daling nagkuha ng sweatshirt, coat, gloves at sapin sa paa ko kasi alam niyo na sobrang lameg dito baka mamatay ako pag labas.

Kamamadali ko di na ako natingin sa mga dinadaanan ko abala ako sa pagsara ng condo unit ko. Waaahhhh bili ako nung ganun ancute cute minions. BWAHAHAHA minions andito na ako lalo ka na Mel patay ka sakeng minion ka.

Pasakay na sana ako ng taxi pero may nakita akong dalawang lalaki na papalapit....

Siningkitan ko ang mga mata ko para lang makita ang dalawang lalaking yun...

Teka....

Si.... si....

Si Daryl?...... at... at...

"Hera...." nabasa ko sa mga labi niya ang pagbigkas niya sa pangalan ko nang makita niya akong nakatingin sa kanilang dalawa.

Gulat na gulat siya, yung mukha niya pero parehas lang naman kame.... dahil maging ako, hindi ako makapaniwala sa taong nakikita ko ngayun.

Ang buong akala ko, namin eh nasa America siya at tinatapos ang kurso niya doong pagdodoctor pero.... bakit nandito siya? Tapos...

"Pano ba yan...... nakita ka na" - Daryl, na nakalapit na sa akin silang dalawa. Mas lalo akong natulala dahil hindi nga nanlalabo ang mata ko totoong andito siya. Nasa harapan ko.... si Rico.

★★★★★★★★★★★★★★

Raven's POV

Tagu-taguan maliwanag ang buwan, wala sa likod wala sa harap pagkabilang ko ng tatlo nakatago na kayo....

Isa....

Dalawa.....

Tat-------

"RAVEEEEEENNNNNN!"

Naalimpungatan ako dahil sa napaka super duper lakas na sigaw na yun mukhang lumunok ng speaker eh. Pagkatingin ko sa babaeng nasa harap ko....

Tatlo.......

Napailing ako nun, hindi ito ang tamang oras para isipin ko yun dahil kasama ko siya.

"Mikey hahahaha sorry nakatulog lang...."

"Palagi ka na lang nakakatulog alam mo ba yun? Ano bang pinagpupuyatan mo?" tanong niya at natawa naman ako don, chismosa ba HAHAHAH!

"Secret bawal malaman, wala clue BWAHAHAHAHAHAHAH!" tinignan niya lang ako na parang ewan hahahaha!

"Hoy Mr.Isip bata para lang po sa kaalaman niyo last practice na naten 'to bago ang event na yun kaya paalala lang po hah.... 5 days na tayo nagpapraktis pero ikaw itong laging tulog sa praktis lahat kami nagpapraktis ikaw, wala nang ginawa kundi matulog..." nakapameywang pa niyang sabi.

MANBT (book two) Love or Lie?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon