Meet the past

51.1K 1K 78
                                    


Helga's POV

For lunch, Kier opted for Italian food. So here we are at Piada which according to him is a restaurant owns by Ralph, one of his friends.

We are about to order when I noticed a group of kids with their guardians falling in line in one of the corners of the restaturant. Out of curiousty I asked the waiter if what is it all about.

"Maam, we have a pizza workshop for parents and their children. You can make your own pizza together with your kids. There will be a demo and also they will bake the pizza that you made. If you are interested, mag-register lang po kayo. Magsisimula na po ang workshop in 30 minutes" sagot nito. Tumango-tango ako. Pinaalis ko muna ito at sinabihang tatawagin ko na lamang kung ready na kami mag-order.

Napatingin ako bigla sa mga kasama ko. SI kier ay abala sa pagtingin sa menu habang ang kambal ay makatunganga sa daddy nila at tahimik lamang pinagmamasdan ng dalawa ito.

Napukaw lang ang atensyon ng mga ito nang magsalita ako. Nag-angat sila ng tingin at nagtatanong ang mga matang tumingin sa akin.

"I have an idea," masayang anunsyo ko.

"What is it Babe?" kunot-noong tanong ni Kier.

"Sumali tayo doon" tinuro ko yung mga batang nakalinya. Sabay-sabay silang liningon ang tinuro ko. "We can make our own pizza tapos i-bake pa nila. O diba personalize." natutuwang dugtong ko. I'm so excited. Magandang bonding ito ng mga mag-aama.

Napatanga sila sa akin. Kaya tumayo na ako.

"Come on!" Anyaya ko.

"But Babe, I'm famished dito na lang tayo." Napakamot siya sa ulo. Walang tumayo sa kanilang tatlo.

Umikot ako papunta sa likod ni Kier. Yumuko at yumakap ako sa kanyang likuran. Halos magkadikit na mga pisngi namin. 

"Sige na please! I really want to do it with the kids. It's going to be fun." I said sweetly.

Hinarap niya ako kaya halos magdantay na mga labi namin. Lumayo ako ng kaunti.

"Kiss muna" ungot niya.

Sinabunutan ko muna siya bago binigyan siya ng mabilis na halik.

"Ewwwww!" ungol nung mga bata na parang nasusuka sila paghalikan namin ni Kier. I laughed because they are so cute. With matching takip mata pa sila. Bata pa ba itong mga to? I asked myself because they are so mature for their age.

"Kayo talagang dalawa. Tumayo na kayo diyan at sumunod sa akin."

"Ang pabebe mo talo mo pa mga bata." baling ko kay Kier.

Tumatawa siyang tumayo. 

"Isasakrispisyo ko yung gutom ko para sa'yo. So I really appreciate a kiss more than anything." 

Inalalayan niya ang mga bata na makatayo. Pagkatapos ay siya na nagbuhat ng purse ko.

Nang makapag-register kami ay dumiretso na kami sa workstation. Nakatayo lang kami. Madami naman kaming sumali. Bale may isang corner ng restaurant ang di pwedeng upuan ng mga regular customers dahil nakalaan ito para sa event/pizza workshop. I heard na they do this once a month as part of their marketing strategies.

May kanya-kanya kaming apron. Sa harapan namin ay mini pizza dough na na-shape nang pabilog so we dont need to  mold it. Apat kami kaya apat na dough rin ang binigay nila sa amin. Kailangan lang naming maglagay ng mga toppings that they have provided. May pepperoni, pineapple, mushrooms, bacon strips, cheese at kung ano-ano pa na nakalagay sa mga mini buckets. Sabi nung nag-demo, alalayan lang daw namin yung mga bata.

Romancing the NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon