Panic

31.9K 652 48
                                    


Helga's POV

I am home. 

Mapait akong napangiti habang pinagmamasdan ang tahanan nina Kier dito sa Taguig. Halos tatlong araw ko din na hindi sila nakita. He constantly texted and called me. He even sent videos of him and the kids bonding. It makes me happy knowing he spend most of his time with the kids.

Parang sobrang bilis ng ibiniyahe ko dahil sa dami ng aking naiisip. I checked my phone for time, 6:20 AM. 

Papaangat na ang araw at unti-unti ko nang nararamdaman ang init sa aking balat. Kahit natatabunan ng gate ng bahay, tanaw naman dito ang pagbukas ng ilaw sa una at pangalawang palapag hudyat na gising na ang mga tao roon. Huminga ako ng malalim bago pinindot ang doorbell. Si Ana ang nasilip kong papalapit para pagbuksan ako.

Pilit akong ngumiti. 

"Hi, Ana."

"Hala, Maam Helga ikaw pala." natutuwang sabi niya. Pumasok ako at sumabay lumakad sa kanya. "Matutuwa ang mga alaga ko dahil nandito ka na. Alam mo ba lagi kang hinahanap. Buti na lang naglalagi na dito sa bahay si Sir Kier kaya kahit papaano ay nakakalimutan ng mga bata ang pagka-miss nila sayo. Parang hindi na nga ako kailangan dito kasi si Sir Kier na ang halos nag-aalaga sa mga bata. Kakain na lang ang gagawin ko dito." natutuwang pagkwe-kwento niya.

"Ako din, nami-miss ko na sila."

Medyo nauna siyang naglakad para buksan ang front door. Lumingon siya sa akin pagkatapos.

"Maam, gusto mo bang tawagin ko ang mga bata o ikaw na lang magpunta sa kanila?" 

Kahit ilang bese pa lang ako nakakapunta dito siguro napapansin na rin ni Anna kung ano talaga ang relasyon ko sa mag-aama.

"Sige, ako na lang."

"Tutulong lang ako sa kusina." paalam niya. Tumango ako bilang sagot.

Inilapag ko sa upuan ang bag ko bago tumulak paakyat sa pangalawang palapag. There are five rooms upstairs. Naglakad ako patungo sa kanang bahagi ng pasilyo. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng mga bata.

Bahagya akong nagulat ng makitang nasa tabi ni Joaquin si Kier at parehong mahimbing na natutulog. Habang si Juancho naman ay nasa kanyang kama at naka-akbay sa lifesize car cushion niya. They were so cute wearing a matching pajamas. Dahan-dahan akong humakbang patungo sa kama niya. Maingat kong inihiwalay sa kanyan ang cushion. Maingat din akong humiga sa kanyang tabi. Mas lalong nagsumiksik siya sa akin.

I took my phone out of my pocket para ilapag iyon sa bedside table na napapagitnaan ng dalawang kama. The picture frame caught my attention. 

It was a portrait of Johanna.  

I sighed. 

Kinuha ko iyon at pinakatitigan. 

She looked younger in here than the picture Ate Olga gave to me... she was laughing as if the picture was taken when she wasn't ready. 

I remember the lady at the airport, she mistaken me as the twins mother, maybe because I am with the twins and not because I look like them. Maybe I resembles some of their facial features or hair colour. But the twins honestly looks like Kier. Kaya nga ni minsan hindi ko pinagdudahan na hindi niya anak ang kambal. Kungsabagay, madami ang magkakamukha sa mundo na hindi naman magkamag-anak.

I sighed again. 

I missed them so much. Three days ko lang sila hindi nakikita ganito na ang pakiramdam ko paano pa kaya kung habang-buhay na, kapag nilayo sila ni Mrs. Rama. Masasaktan ako. Pero mas masasaktan ako para kay Kier. Sa maikling panahon na nakasama ko sila, I witnessed how he truly love the twins. 

Romancing the NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon