First night, First Date

32.5K 673 11
                                    

 Helga's POV

Hanggang ngayon kinukutusan ko yung sarili ko dahil wala man lang ako maayos na nasabi kay Kier. Na-shock kasi talaga ako na makita siya dito. Dito ulit kami nagkita. Ito na ba yung destiny na tinatawag nila?

Ite-text ko na lang si Ate baka sakaling mawala ang frustrations ko. Kinapa ko sa aking bulsa ang cellphone ko pero walang mahagilap doon ang kamay ko. Tsinek ko lahat ng bulsa ng jumpshorts ko. Wala. Nababahalang tinawag ko sina Mrs. Monreau na nauna nang naglalakad sa akin. Hinahanap nila yung golf car na sinakyan namin kanina. Buhat ni Mr. Monreau si Patty.

"Ahm Maam, pwede bang bumalik ako sa clubhouse?

"Bakit?"

"Kasi parang nahulog ko doon yung cellphone ko."

"Ah ganun ba. Sige, ako na magpapatulog kay Patty. You can have your free time after
mo mahanap ang cellphone mo since it's almost eight pm." 

"Oh thank you! Goodnight Patty."

"Goodnight." sabi ng bata bago naghikab.

Mabilis akong bumalik sa may restaurant. Paikot na sana ako papunta sa pwesto namin ni patty kanina pero nahagip ng mga mata ko si Kier na may kausap na babae sa loob ng restaurant.

Akala ko ba umalis na siya? 

Nagtago ako dito sa may halamanan. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Madilim naman sa kinaroonan ko kaya tiyak na hindi nila ako makikita kahit hindi ako magtago. 

Maganda yung babae, mahaba ang kulay blonde niyang buhok pero sigurado akong Filipina siya. Tapos matangkad pa, mukha siyang modelo.

"Hmp! Kaya pala kunwari di niya ako kilala kanina. Akala ko ba wala siyang girlfriend?" naiinis na bulong ko habang naglalakad palayo sa mismong restaurant. 

Liningon ko pa ulit sila at bigla akong napatigil sa paglalakad nang makita ko hinalikan niya yng babae sa cheeks tapos may kasamang hawak pa sa braso.

Tsss...

Nagdadabog na tumalikod at nagmartsa ako paalis. 

Hindi naman masyadong madilim parteng tingin ko ay kung saan ko nahulog ang phone ko. Kaya lang mas maganda kung may flashlight ako. Wala pa naman ibang tao dito ngayon kasi nga gabi na. Malamang nasa loob sila lahat ng restaurant.

"Nasaan na ba yun?" Ini-slide ko ang paa ko sa buhangin baka sakaling masagi ko pero wala talaga.

Naduduling na ako sa kakatingin sa madilim na buhangin nang biglang may nagpailaw sa tinitignan ko.

When I looked up, it's Kier. Agad akong napatuwid ng pagtayo. Galing ang ilaw sa kanyang cellphone.

"H-hello," napipilitang bati ko.

"Anong hinahanap mo?" tanong niya habang nakatingin sa may buhanginan. 

Nasaan na yung babae mo? Itatanong ko sana pero that will make me sound lika a nagging girlfriend. The saddest part was I'm not even his girlfriend.

"Ah eh my cellphone.. nawala ko ata dito."

Tumango siya at pinagpatuloy ang paghahanap. Pipigilan ko sana pero gusto ko na rin mahanap ang phone ko kaya pinabayaan ko na. Pagkatapos ng ilang minuto ay hindi pa rin namin makita.

"Maybe may ibang nakakita at idinaan sa lost and found," sabi ni Kier.

"Ahm, siguro nga. Sige puntahan ko na lang sa reception area. Dito lang ata yun sa clubhouse." 

Tinalikuran ko na siya. Dumiretso ako sa may reception na nasa tabi ng restaurant.

"Hi."

"Yes, Maam. How may i help you?"

Romancing the NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon