Lunch

185K 3.6K 386
                                    

Helga's POV

"Saan ba tayo kakain?" naiiritang tanong ko. Kanina pa niya ako hila-hila dito sa buhanginan tapos tirik pa ang araw.

"Diyan lang."

"Sandali nga at huhubarin ko itong sandals ko. Hindi ako makalakad ng maayos." sabi ko habang inaabot ng isang kamay ko ang paa ko. Ngunit di ko ito lubos na matanggal dahil hila-hila niya ako.

Tumigil naman ito sa paglalakad. Hinarap niya ako. Mabilis kong hinubad ang sandals ko. Nabigla ako nang hinablot niya ang sandals mula sa akin.

"Akin na yan."ungot ko.

"I'll carry it." Tapos hinila na naman niya ako. Nakatingin lang ako sa likod niya at sa isang kamay nitong nakahawak sa sandals ko.

Napangiti ako dahil kinikilig talaga ako. Nakakapanibago dahil ngayon lang may nakakagawa sa akin sa mga bagay na katulad nito.

Sa sobrang pag-iisip,natisod ako.

I heard him cursed.

"Im sorry. Are you okay?" he asked in a worried tone. Inalalayan niya akong tumayo.

"Im fine. Buhanginan naman ang binagsakan ko." sagot ko habang pinapagpag ang buhangin an dumikit sa binti ko.

"Let me see." sinipat niya ang binti ko kung may mga galos ako.

Ano bang nangyayari sa akin? Palagi na lang niya nasasaksihan ang pagkakadapa ko. Nakakahiya. Napayuko tuloy ako na naiiyak dahil sa hiya.

"Hmm. Come here." sabi nito sabay yakap sa akin. Mukhang nahulaan na niyang nagdadrama ako. "Hulog na hulog ka na siguro sa akin kaya ka nadadapa." Nasa tono nito ang pagbibiro.

Kinurot ko ito sa tagiliran. "Pwede ba. Ang cheesy mo!" sisinghot-singhot na sabi ko.

"Im just being cute. Totoo naman ah."

Inirapan ko ito. Nauna na akong naglakad sa kanya.

"Ah Helga?" sigaw niya. Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ito. Hindi pala siya sumunod sa akin.Pinagtaasan ko ito ng kilay.

"Actually were going this way." sabay turo sa kanan na side niya. Nagpapadyak na bumalik ako kung saan siya nakatayo at nauna nang kumanan.Tumatawang sumunod ito sa akin.

Inakbayan niya ako pero inalis ko ang kamay niya sa balikat ko. "Sige tawa ka pa. Bwisit!"

Tumigil na ito sa kakatawa. " Okay!Hindi na. Masyadong mainitin ulo mo. Gutom ka na nga siguro." at inakbayan ulit ako.

"Malayo pa?" tanong ko ulit habang sinisipat ang init ng araw. Grabe para akong nag-ehersisyo dahil tagaktak na ako sa pawis.

Hinawi ng isang kamay nito ang buhok kong tinatangay ng hangin papunta sa mukha ko. Pinunasan din nito ang pawis ko sa aking noo.

"Malapit na tayo. I promise."

I just sighed. Nasa dulo na ata kami ng Amanpulo. Madami pa rin naman kaming nadadaanan na naglulunoy sa beach kanina. Pero ngayon ay puro tubig at puting buhangin na lang ang nakikita ko. Wala nang tao. Para ngang nasa gitna na kami ng dagat. Hanggang sa may matanaw akong kulay asul na beach umbrella. May dalawang tao roon na mukhang kanina pa kami inaantay.

Habang palapit kami sa kinaroroonan nila ay pinagsalikop ni Kier ang mga kamay namin sa isat-isa.

"Sir, okay na po ang lahat." sabi nung isang lalaki.

"Salamat. Tatawagan ko na lamang kayo kapag natapos na kami."

Nagpaalam na ang dalawa sa amin.

"Shall we?" Iminuwestra ni Kier ang cushion na uupuan ko. Dalawa ang cushion na naroroon. Mababa lang din ang mesa. Kagaya ng mga hapon ang set up na mababa ang mesa at nakaupo sila sa lapag. Ang pinagkaiba lang ay nakaupo kami sa mahabang cushion. Kaysa naman maupo kami sa buhanginan.

Romancing the NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon