face to face

58.7K 1.1K 263
                                    


Helga's POV

"Babe, i'm on my way home. Do you want me to fetch you at work?"

Bumisita si Kier sa port nila sa Batangas. Hindi na ako sumama katulad ng napag-usapan namin noong nakaraan sa kadahilanang may kikitain ako ngayon. Ang mga bata naman ay sinundo na ni Anna, ang Nanny nila. Dumating na ito kaning umaga bago ako umalis sa bahay ni Kier.

"No need, Babe. Maaga akong uuwi ngayon. I'll just see you tomorrow?"

I heard people talking in the background. Parang nagpapa-alamanan sila. 

"I guess. But I want to see your face before the day ends. Sa bahay ka na matulog mamayang gabi. Huh?"

Tumawa ako. Kanina pa siya text ng text ng kung ano-ano may mapag-usapan lang. At ngayon ay tumawag na ito habang ako naman ay hinihintay ang ka-meeting ko.

"Not tonight,Mister!"

"Tomorrow?" 

"Hmm.. I'll think about it"

Pinipigilan kong tumawa. I am just teasing him. I heard him heaved a deep sigh. 

"I'll call you later again. Baka magbago ang isip mo at gusto mo nang matulog sa bahay mamayang gabi."

I chuckled.

"Ikaw bahala. Ingat sa byahe ok? Are you driving?"

"Yes I am."

"I'll talk to you later then. Love you!"

"I love you too."

I ended the call. 

"Salamat at napagbigyan mo ako." 

I looked up and saw the woman who phoned me earlier to invite me for an early dinner. I hesitated at first dahil hindi pa ako handa na kausapin siya. However, my sister told me that it's probably about time to talk to the mother of my ex-boyfriend. Kahit hindi pa kami masyadong okay ng kapatid ko ay humingi pa rin ako ng advice mula sa kanya. I guess kahit mag-away pa kami ng libong beses ay mas nananalaytay pa rin yun dugo namin bilang magkapatid na nagdadamayan.

Seryoso ang mukha ng ginang habang nakatingin sa akin. Ibang-iba sa kilala kong Mrs. Rama dati na kapag nakikita ako ay binibigyan agad ako nito ng halik sa pisngi at parang anak na ang turing sa akin. Magiliw siya sakin dati. Dati.

I offered her a seat in front of my table. 

Once she settled on her seat, tinawag niya ang waiter. 

Kaunti lang ang kumakain dito sa ngayon. Maybe because it's too early for dinner and too late for snacks. At tsaka nasa bandang likuran kami away from the rest of the customers. It's only four in the afternoon.

We ordered, got our food and now we don't know how to start any real conversation. We both stare at our food, and silently eat.

Tinatapunan ko lang ito ng tingin. Tinatanya kung kailan ako magsisimula magsalita.

After a while, I drink on the glass of water before I begin to talk.

"Ahm, Tita..." 

She cut me off.

"Don't call me Tita. We are not in the same boat as we used to be, Helga. You changed, I changed because of what happened." She gave me a stern look. 

Napapahiyang yumuko ako. Pinipigilan kong maging emotional. She is right anyways. 

"I want to be frank to you. We are not okay because of what happened to my son. My only son. Kaya sana huwag na tayong mag-plastikan pa!" 

Romancing the NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon