Going home

52.4K 1K 240
                                    

Helga's POV

"Nasa loob ba ang boss mo?" tanong ko sa secretary ni Ate. Alam nito na tunay akong anak  dahil madalas akong ipatawag ni Daddy noon dito sa opisina ni Ate na palagi ko naman tinatanggihan. My sister is the one managing the Nanny World Agency but my parents occasionally visits the office. Nakita ko sa ground floor ang assistant ni Daddy na si Dino kaya natitiyak kong nasa building ang magulang ko. 

"Maam Olga is still inside as well as your parents." nakangiting sagot niya.

"Good."

Hindi ko na inantay kung ano man ang susunod niyang sasabihin sana. Pabigla kong binuksan ang double doors ng opisina. Nadatnan ko ang mga magulang ko at si ate Olga na nagtatawanan. Naudlot lamang iyon nang makita nila ako. I closed the door and walked towards them.

My mother stood up and approached me. She then hugged me. Niyakap ko siya pabalik. I missed her too. I haven't seen her for months. 

 "Honey, I miss you. Olga was calling you a while ago but mukhang busy ka," wika niya habang hinahagod ang likuran ko. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. She touched my face. Napapikit ako ng dahil doon. 

"Helga, are you okay? Namamaga ang mata mo." she sounds really worried now. I opened my eyes and told her I am okay. Lumapit na din sa akin sina Daddy at ate Olga. 

My Dad was about to hug me nang bigla akong lumayo. Bumalik ako sa kung ano talaga ang ipinunta ko dito. I stepped back from them.

"Unfortunately, I am not here for a mini reunion, Dad. I came here for the truth." i calmly said.

They all looked at one another. Confused. 

Lumapit muli si Mommy sa akin. "Anak, my problema ba?" tanong niya. Nasa mukha nito ang puno ng pag-aalala. Gusto niya akong hawakan ngunit pinigilan ko siya.

"Is it true that I killed Carlo and..." napapikit ako while sighing. Para bang bumara sa aking lalamunan ang mga salitang gusto kong sabihin. Ang hirap magtanong dahil natatakot akong malaman na ang sinabi ni Mrs. Rama ay totoo. Hinding-hindi ko iyon matatatanggap. I opened my eyes and continue, "and Johana Falcon?"

Napuno ng katahimikan ang opisina. Nobody dares to answer my question. 

"Please tell me! Is it true?" My eyes begin to fill with tears. Walang gustong sagutin ako. Parang pati paghinga nila ay tumigil. Dati hindi naman ako naniniwala sa kasabihang silence means yes. Pero ngayon yun ang nararamdaman ko. 

"BAKIT HINDI NIYO AKO SAGUTIN? TOTOO BA?" sigaw ko. 

Tinignan ko ang Daddy. Nanginginig ang mga kamay kong kumapit sa braso niya. 

"Please Daddy, tell me the truth. Just this once," tuluyan na akong umiyak sa harapan nila. 

My Mom started to cry hysterically. Right there and then,I got the answer that I needed. 

Napabitaw ako kay Daddy. I sat on the floor and cried endlessly. Parang gumuho yung mundo ko sa pangalawang beses.  I covered my face with the palm of my hands. What did I do to deserve this? Minahal ko si Carlo. Ako yung iniwan pero bakit ako ang pinaparusahan ng ganito? 

"Helga," Dinaluhan ako ni ate Olga. 

Lumayo ako. "Don't touch me" asik ko.

"Anak, it was an accident. You were crying nonstop before the accident. Madulas din ang kalsada because it was raining at that time. It just so happened that you're behind Carlo's car kaya sila ang nabangga mo. Do not blame yourself." wika ni Daddy. 

"Kaya hinarangan niyo ang pagkakataon na maibigay ang hustisya na nararapat sa pamilya ng mga biktima. I was at fault, Dad." umiiyak na wika ko. 

I looked up and saw my Dad with a teary eyes. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Maybe because hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na maging malapit sa isat-isa. I want to hug him pero mas mangingibabaw yung hinanakit ko sa kanila at sa aking sarili. 

Romancing the NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon