Epilogue

42.4K 732 23
                                    

Helga's POV

We went back to the beach bar to get our paddle boards. Ibinaba namin sa may sun loungers ang mga bags namin. Walang ibang nandito kundi kami lamang at yung dalawang resort staff na aalalay sa amin na sumakay sa mga paddle boards. Nandito na sila kanina na naghihintay sa amin. Kasama na rin namin ang mga nag-windsurfing kanina.  Dito na siguro nagpababa kanina.

"Kanina pa kayo?" tanong ni Lerma.

"10 minutes. How was the snorkelling?" tanong ni Corbin. 

"Fun. Pero gusto ko talaga i-try ang windsurfing." sagot ni River.

Inakbayan siya ni Cyrus. "Aww... Next time, couz. Kapag hindi natin kasama ang mga Kuya mo."

Binatukan siya ni Hunter.

"Gago..."

Nagtatawanan lang naman sila.

Hindi nakikisali itong katabi ko dahil na-badtrip sa ginawa ko kanina sa boat. He is holding my hand. Nangingiti na lang ako.

Siniko ko siya kaya napatingin siya sa akin.

"Sama ako sa board mo hah?" nakangiting suhestyon ko. 

Hindi siya umimik. Binitawan niya ang kamay ko at pinuntahan si Lerma. May pinag-uusapan sila na masinsinan.

Ngumuso ako sabay kuha ng juice sa may table katabi ng sun loungers. Nagset-up ng cocktails ang staff so we can eat before we go paddle boarding.

"Ate, selfie-selfie tayo, bumababa na ang araw." aya ni Alejandra.

"Sakto ang sunset kapag nagpaddle board na tayo."komento ni Isabella.

Kaming mga babae, pwera kay Lerma, nagku-kuhanan ng picture malapit sa tubig. Punong-puno na ang camera ni Alejandra sa dami ng selfies na pinagkukuha namin. Yung mga lalake nasa sun loungers lang kumakain o umiinom. Naki-join na si Kier sa kanila.

Kapagkuwa'y pinuntahan sila ni Alejandra at kinuhanan ng litrato. Si River naman ay may sariling trip din sa kanyang gopro.

Naiwan tuloy kami ni Isabella dito. Nilalaro ko lang ang buhangin gamit ang isa ko na paa. The sands were so white and very fine. Masarap ilublob ang mga paa dito. 

"Ikaw pala ang girlfriend ni Kuya Kier."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. She was smiling.

"Huh? Hindi."

"Hindi pa?"

I forced a laughed. "No, hindi talaga kami."

"I'm just curious kasi ang sweet niyo. Sabi ni River, kayo nga daw."

Iwinagayway ko sa harap niya ang dalawa kong kamay.

"Naku hindi nga."

"Wala namang masama kung kayo nga. Nagulat lang ako. Kasi sa lahat ng kaibigan ni Kuya Yvo, ang mga Falcons ang sobrang tahimik."

"Ahh hehe..."I awkwardly laughed.

"Nakitsismis lang ako. Tara na doon, I want to eat something." Ngumiti siya sa akin. "You know, you make me want to cut my hair short. Kanina ko pa tinitigan yang buhok mo. Sorry. Naiingiit kasi talaga ako. Kaya lang yung boyfriend ko, ayaw niya ako magpagupit." kwento niya.

She has a boyfriend. Medyo nakahinga ako ng maluwag. Kinabahan ako kanina baka kasi sabihan sa akin na layuan ko si Kier. Uso na naman ba yun? Napangiwi ako sa kung ano-anong naiiisip ko.

"Oh, mukhang tama ang boyfriend mo, sobrang bagay mo ang long hair. Tsaka kahit anong gupit bagay mo. You looked like a model."

"Really? Thanks! You flatter me."

Romancing the NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon