River Falcon

206K 2.6K 93
                                    

Dedicated to Eunice who answered 21 years old first. Ang aga nabiyudo noh.. ganyan talaga ang life,hindi mo alam kung kailan ka babawiin ng maykapal. Live your life to the fullest :)

Helga's POV

Ipinagpatuloy namin ng tahimik ang almusal namin ng biglang may sumigaw na galing sa pintuan. "HELLO EVERYONE!!!" sigaw na bati niya habang basta na lang hinagis sa may sofa ang beach bag niya. She is wearing a printed long dress na mas lalong nagpatingkad sa kaputian niya. Open kasi ang layout nitong casitas kaya kita mo lahat. Napatigil ako sa pagsubo ng tinapay at pati si Kier ay ibinababa sa lap niya ang binabasang dyaryo. Si Joaquin naman ay patuloy lang sa pagsubo ng cereals niya na parang walang narinig. Dedma ang lolo niyo. Si Juancho naman ay napatakip sa magkabilang tainga niya. "Tita..youre so loud!" reklamo ni Juancho na nakasimangot na ngayon.Hindi naman yun pinansin ng bisita at naglakad palapit sa amin. "And I miss you too baby," sagot niya sa reklamo ni Juancho.

Nang makalapit sya sa mesa ay humalik ito sa pisngi ni Kier. "Hi Kuya.." nakangiting bati niya dito.

Napatingin ito sa gawi ni Joaquin na patuloy pa din sa pagsubo ng cereals niya. "Oh my! Joaquin baby ang bilis mo namang lumaki..."Ngumunguya na nag-angat ng tingin ang bata sa kanya pero tumingin din ito agad sa kabilang direksyon. I wonder why? "Asus..ang suplado talaga..how are you?" nakangiting dugtong niya kay Joaquin.Nang hindi umimik ang bata  ay biglang pinagpipisil ang mga magkabilang pisngi ng bata.Hala..pinangigilan na.Kaya naman pala umiiwas ang bata eh. Natatawa naman ako sa itsura niya kasi puno pa bibig nito ng food at masama ang tingin sa bisita.

Ang bisita pala namin ay walang iba kung hindi si River. Siya yung na-meet ko sa washroom kahapon.

"U..uhm..ti--ta..uh.."nabubulol na tutol niya sa ginagawa ng tita niya.Hindi na ito makapagsalita ng maayos kasi sa kakapisil ng tita niya. Natatawang binitawan ni river yung pisngi niya nang magsawa ito. Namumula tuloy ang buong mukha ni Joaquin.

Nagmamadaling naglakad ito sa side namin."Uwaah..Juancho.Im not loud..Im just excited seeing you guys," hinalik-halikan niya ang pisngi ng bata na pilit namang umiiwas. 

"Tita STOP eating me..." tili ni Juancho. "Dad,HELLLP!!" paghinging saklolo nito kay Kier. Naiiling na lamang si Kier sa ginagawa ni River sa mga anak niya.

Nang siguro hindi pa tumitigil si River ay inawat na niya ito. "River tigilan mo na ang panggigigil sa mga pamangkin mo." saway ni Kier sa ginagawa ng kapatid. Tinigilan naman niya at umupo siya sa katabing upuan ni Joaquin.Habang si Juancho ay hindi na maipinta ang itsura habang pinupusan ang mukha gamit ang damit niya. Dumampot si River ng isang pirasong bacon at kinagatan. Hindi na siya nagabalang kumuha ng plato niya kasi apat lang ang inihanda kong plato. 

Nag-angat ito ng tingin sa akin at ngumiti. "Helga right?" tanong niya sa akin. Tumango lang ako.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Kier.

"Oh! So Kuya..I didnt know youre dating someone else right now." nakangising tanong niya sa kapatid while wiggling her eyebrows.

"You knew each other?" tanong ni Kier imbes na patulan ang kantiyaw ni River."Yeah..nameet ko siya kahapon," sagot ni  River habang ngumunguya. "So are you guys dating nga?" pangungulit niya. Hindi ko alam kung ako ang sasagot o si Kier.

"No..she's the boys nanny,"sagot ni Kier. Na-hang naman sa harap ng bibig ni river yung bacon na dapat isusubo niya ulit.

"Nooo way.." di makapaniwalang sambit niya.

"yes way..kaya maniwala ka," nakangiting sagot ko. Umiling-iling siya,"Kuya,hindi ba si Anna ang nanny nila..tinanggal mo ba?," takang tanong ni River.

Romancing the NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon