2

11.9K 372 22
                                    

"There is a reason why we walk this earth and I find that I'm coming to realize mine. And that is to love.. or to die trying. (Joke! I only love myself, yow!)"

- Moira Javier xoxo (hugs and kisses)

----

Moira Javier, also known as Patience to her comrades stepped out of the slick limousine and checked the clock hidden in her pocket.

Twenty-five minutes before the auction. May dalawampu't limang minuto pa siyang bakanteng oras para mag-unwind at maghanda. Bilang isa sa mga executive guards ng ilan sa mga mamahaling alahas na mula sa kanilang kliyente, responsibilidad niya na itaya ang buhay niya para dito.

Those jewels were said to be worth more than her life or any life for that matter. At si Moira bilang si Moira ay hindi lubos maisip kung paanong nasabi na mas mahal pa ang alahas kaysa sa buhay niya. Kahit sabihin pa na kayang ipagpalit ang buhay ng tao sa ilang kakarampot na milyon, ang tingin niya sa sarili niya ay walang kapalit.

Iisa lang ang buhay niya. At kahit anong alahas o pera ay hindi niya tatanggapin na kapalit ng buhay na iyon. She is freakin' priceless and she considers her life to be beyond anything.

Beyond gemstones. Beyond money. And beyond other people's lives.

She doesn't believe in sacrifices or even love. Para sa kanya, ang tanging tao na pwede niyang mahalin ay ang kanyang sarili at ang tanging tao na pwede niyang gawan ng sakripisyo ay ang sarili niya din mismo. Duh. Sino pa ba?

Oo nga at minsan medyo swapang siya, medyo mahina ang loob niya kapag kapalit ang pera pero alam niyang may dahilan iyon at tanggap niya na hindi siya perpekto. Walang taong perpekto maliban na lang kung self-righteous ka.

She is a fake. A selfish woman. A bitch. But never a self-righteous prig.

Damn no.

Kinuha niya ang hindi niya naubos na kalahati ng sagarilyo at sinindihan iyon. It instantly caught light.

She breathed it in, loving the feeling that it evokes within her. Cigarette is her drug. Her addiction. At ipagkakanulo niya lang ito kapag mamamatay na siya.

Pero bago ang pagkakataong iyon? Nope. Never.

Huminga siya ng malalim at pinuno ng usok ng sigarilyo ang kanyang baga. Bahagya pa siyang napapaubo kapag nasosobrahan ang kanyang pagsinghot ngunit pinagwalang-bahala niya din ang pangyayari.

Sometimes when you love, you gotta oversee those little fuckers known as imperfections. Kaya nga para sa pagmamahal niya sa sigarilyo, hindi niya na lang pinapansin na unti-unti nitong pinapatay ang kanyang baga, at nagdudulot ng ilan pang medyo nakakikilabot na sakit.

Loving is hurting daw kasi.

And aside from cigarettes, may isa pa siyang minamahal. Ito naman ay ang kanyang ama-amahan.

Si Everly.

Lalaki si Everly. Anim na pung taong gulang na ito at ito din ang isa sa mga tao na pinapasalamatan niya. Kung hindi kasi dahil dito, malamang na wala siya sa mga ganitong klase ng okasyon. Wala siyang trabaho at wala ring pag-asa.

Ulila nang lubos si Moira ng makita siya nitong nagpapagala-gala sa kalsada. Iyon din ang mga panahon na kung saan, handa na siyang itaya ang kaluluwa niya sa demonyo, magkaroon lang ng laman ang kumakalam niyang sikmura. Tatlong araw na siyang hindi kumakain, at ang tubig na iniinom niya ay hindi rin masasabi na malinis. Buto't balat ang kanyang katawan at malaki ang kanyang tiyan. Isang batang malnourished at walang tahanan.

Pagmamalimos ang tangi niyang alam gawin noon, at isa sa mga nahingan niya ng piso ay ang matandang si Everly.

Unang tingin lang nito sa kanya ay agad na siya nitong hinawakan sa balikat, lumuhod upang maging magkapantay ang mga mata nila at nagsalita. "Gusto mo bang kumain ng masasarap na pagkain?"

Montereal Bastards 4: To Seduce A Bastard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon