17

5.4K 234 50
                                    


Me? Jealous? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA..

Yes.

-Ichiro Montereal

-----------------------------------------------------------

Moira stared at the new arrival like she's seen a super shark attack. Nanlaki ang mga mata niya, namutla ang namumula niyang mukha at napahawak siya ng mahigpit sa braso ng doctor. Paano ba naman kasi, she didn't expect him to come tonight. Hindi naman kaya ito nag-i-stay kapag gabi sa ospital. And she knew the reason why he's here.

She heard the doctor hiss as her long fingernails dig into his skin and then she heard a sardonic laugh.

Pansamantalang nabawi nito ang kanyang atensyon kaya't agad itong nagsalita ng, "Now I know why I can't make your heart beat fast, someone does that perfectly well."

Kunot-noong sinubukan niyang intindihin ang sinasabi nito ngunit nahahati ang atensyon niya at habang tumatagal ay unti-unting nalilipat ang atensyon na iyon sa bagong dating.

Ichiro is definitely pissed. Or maybe pissed is too mild a word. Parang may bagyo ang mukha nito. His demeanor is dripping icy disdain as he transfered his look from the doctor to her. Hindi na nakatulong na ang anyo nito ay parang nahulog na anghel na kayang gawin ang lahat, pati ang paliparin ang katabi niya sa kung saang dimensyon nito gustuhin. His black hair is dripping wet at saka niya lang naunawaan na hindi pala ito bagong ligo kundi sumuong ito sa ulan ng walang pakialam kung mababasa ito o hindi.

And surprisingly, she felt her stomach dipping when she realized that he might have been that reckless because of her. Nagtaka tuloy siya kung anong sinabi dito ni Winter at agad itong sumulong patungo sa ospital gayong kanina ay hindi siya nito kinakausap.

Hindi halata na basa ang katawan nito dahil sa kulay ng suot nitong pantaas. It was a black turtleneck na humuhubog sa matipuno nitong katawan letting the world see the built of the man. It screams testosterone and male aggresiveness. And then just as suddenly, napansin din yata ng lalaki sa tabi niya ang inaasta ni Ichiro because she swear she almost hear him tensing. Nabahiran ng kakaibang tensyon ang paligid habang sinusuri ng dalawa ang isa't isa.

Then Ichiro said in his icy voice, "What's happening here Moira?"

Tinitigan niya ang mukha nito ngunit wala siyang makitang ekspresyon doon. It's like he's become a maniquin for all the emotions that crosses his features----which is basically, nothing.

Tumikhim siya bago nagsalita. "This is Sy, uhm, Sydney, my new doctor."

"Not anymore." agarang tugon ni Ichiro.

Nangunot ang noo niya. What's that supposed to mean? Magpapalit siya ng doctor? But she liked Sy! Isa pa, ito ang gagamitin niya para sa ikalawang yugto ng plano. Kung tatanggalin ito ni Ichiro, paano na lang ang plano niya?

"I don't think that's necessary Ichi. I like him, and he saved me too!"

"Saved you?" nakasimangot nitong tanong. He's talking to her but he's looking at Sy. Two predators circling warily but never letting each others guard down.

"Nabulunan ako ng karne, and he did the heimlich maneuver kaya andito ako sa harap mo at buhay." paliwanag niya dito.

"Heimlich." pag-uulit nito sa sinabi niya. Ichiro was not impressed. Napatunayan niya iyon dahil sa sunod na tanong nito. "And why would you choke?"

"Uh.. Well.. I was startled?" alanganin niyang saad.

"By whom?"

Ngumiti siya ng mapakla saka itinuro ang katabi. "Him."

Montereal Bastards 4: To Seduce A Bastard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon