9

6.2K 258 14
                                    

The dream was just like all the other dreams, all hazy and vague as if a mist was covering the event making it almost surreal. But the assassin knew that it was not imagined. Her subconscious did not make-up events like this. This is her reality and this had happened in her life. And now, her mind is making her relive it over and over again. Hurting her, haunting her, making her see what she has become. The very devil.

It started with a gunfire.

And then the she's inside that blasted house again moving steadily, stealthily towards the last room in the left.

Madilim ang paligid dahil sinadya niyang pumasok ng alas dose ng gabi para tulog na ang mga tao, lalo na ang mga magulang. Natigil siya sa paglalakad at agad na nagtago sa likod ng malaking paso ng nakita niyang bahagyang bumukas ang pinto ng kwarto na tinutumbok niya. Sa tulong ng kumukurap-kurap na ilaw sa pasilyo ay nakita niya ang paglitaw ng isang pares ng paa, maliit at hindi akma para sa labing-isang taong gulang na bata.

Ang mga paang iyon ay nagsimulang maglakad patungo sa kasunod na  kwarto na hinuha niya ay pag-aari ng mga magulang. Ang sapantaha niya din ay nagkaroon ito ng masamang panaginip at natatakot na mag-isa sa kwarto. Ngunit ng makailang hakbang na ito, biglang tumigil ang mga paang iyon na animo'y hindi sigurado at nagdadalawang isip.

Ang maliliit na kamay ay naglaro-laro at ang mga labi ay nagsimulang kumibot kasabay ng pagtulo ng isang matabang patak ng luha.

Lumunok ang bata ng makailang-ulit, pagkatapos ay nagsimulang magkalad pabalik sa sariling kwarto.

Nangunot ang kilay ng assassin ng dahil sa nakita. Isang bata na hindi sigurado kung lalapit sa mga magulang at magpapaaliw. Isang bata na malungkot ngunit walang kasama, walang magbabantay, walang nag-aalaga. Ito ang misyon niya ngayon. Ang patayin ang batang ito na magmamana ng lahat ng kayamanan ng kompanya.

Ang kanyang matigas na puso ay lumambot at nagsimulang malusaw. Kumurap siya gaya ng bata upang ibalik ang trahidor na likido na bumuhos mula sa kanyang mga mata. Ngunit hindi siya tinaguriang assassin dahil maawain siya, hindi. Nabubuhay siya sa pamamagitan ng pagkitil ng buhay ng iba at hindi siya magsisimulang magbago ngayon dahil lang sa isang bata.

Huminga siya ng malalim at muling itinayo ang mga pader sa palibot ng kanyang puso. At ang sunod niyang napansin, naglalakad na siya papasok sa pinto ng kwarto na isinara ng umuukupa doon.

Pumasok siya ng walang kaingay-ingay at sinuri ng paningin ang paligid. Bumalik na ang bata sa kama nito at nagtalukbong ng kumot habang pinapanood ang kanyang anino sa pader. Lumapit siya dito hanggang sa magpantay ang kanilang mga mukha.

The child was breathing heavily, her forehead glistening with sweat, and her cheeks were damp with tears. Nanginginig din ang maliit nitong katawan sa ilalim ng kumot habang ang naglalakihang mga mata ay hindi kumukurap at nakamasid lang sa kanya.

Hindi nagtagal, bumuka ang maliit na bibig nito.

"W-w-who a-are y-you?"

Fourteen closed her eyes and took the child's hands. She almost smiled because of the child's bravado. Even grown men have trouble speaking when faced with danger and the unknown and yet, this little girl of eleven years was able to overcome her fear.

"I am your guardian angel."

"G-g-guardian? Are you here to take me away?"

"Do you want to leave this place?"

Tumango ang bata at naampat din ang mga luhang kanina pang tumutulo. Isang mahina ngunit puno ng pag-asang ngiti ang sumilay sa labi nito.

"Do you see this?" tanong niya ulit.

Montereal Bastards 4: To Seduce A Bastard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon