46

3K 108 6
                                    

He saw.. He saw how she looked at him with a sad smile and as her upper left, the part where her heart is, slowly soaked with red.

Para siyang nabingi sa lahat ng ingay, habang nagsusumigaw ang kanyang kalooban sa nakita.

No. Not Moira.

Of course. She'll come up. Kitang-kita niya habang hinahawakan siya ng mariin nina Caden at ng iba pa upang hindi siya sumama sa mga tumatalon na elite.

They're already searching the waters.

Nagpumiglas siya subalit mas malakas ang nasa kanyang likuran.

Walang ingay na maririnig mula sa likuran subalit wala na rin siyang pakialam. Kill him, it doesn't matter. He's good as dead if Moira will not resurface anytime soon..

"Let me fucking go Caden! LET. ME. GO!"

"Boss, you've lost a lot of blood. They're already searching. Mahahanap din sila."

Namamanhid ang kanyang mga kamay, hindi niya mawari kung dahil ba ito sa sakit o dahil sa takot o dahil sa sinabi ni Caden na naubusan na siya ng dugo dahil sa tama ng baril. His vision is getting dark but he can't succumb yet. Not until his Moira is safe. Not until he can see her again.

"He's losing his consciousness Cade. Dalhin na natin si Boss sa ospital."

"No." Mariin niyang utos. Ipinikit niya ng mariin ang kanyang mga mata bago muling dumilat. Ilang elite ang naubusan ng hangin na kinailangang bumalik sa taas upang kumuha nito.

Slowly, his heart sank.

If Moira and the little girl is still underwater..

Malamang..

No.

He shook his head in utmost denial. Impossible. Moira is not some ordinary assassin na kapag tinamaan ng bala ay agad ng mamamatay. She is one wily girl. May plano ito. She would have planned everything from A-Z. Imposible na ganoon na lamang magtatapos ang lahat.

Mula sa likuran ay nagsimula ulit ang kumosyon.

"Hayop ka! Ikaw ang dahilan ng lahat ng to! Hayop ka! Putangina mo!"

Ichiro knew it was Genocide. Malamang ay nagkaron ito ng lakas ng makita kung paanong binaril ni Pyre si Moira. He might have resurfaced from his stupor of indifference.

Ilang sunod-sunod na putok ng baril ang pinakawalan nito, at kahit hindi niya lingunin, alam niyang wala na ang kanyang ama.

Wala na.

At wala siyang kahit anong naramdaman.

"Lead, wala." mahinang usal ng isang elite kay Caden. Hindi niya na masundan kung sino ito o kung ano ang iba pang sinabi nito. All he heard was that word, 'wala..'

Walang Moira. Gone. Missing.

"N-no. Ako ang maghahanap. Let me find her Caden. Let me go."

"Boss.."

"Ang liit ng hahanapan nila, what the fuck are they doing? Bakit hindi siya mahanap? Call the coastguard! Hire every single fucking person you can get a hold of, kailangang mahanap sila Caden!" Pumiyok ang kanyang boses. "C-cade, yung mag-ina ko yun. The only reason why I'm still living. The reason why I found the reason to live." Halos nangangapos na siya ng hininga bago muling ibinalik ang tingin sa dagat.

Bumuntong-hininga ang kausap niya ngunit hindi na dinagdagan ang sasabihin. Ichiro tried to stand again but his knees gave in to the weakness. In an instant, he was lying flat on the floor, his eyes closed, with no idea if Moira was ever found.

Montereal Bastards 4: To Seduce A Bastard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon