Chapter 4

41.8K 1.7K 85
                                    



CHAPTER 4

MonthOfAugust:

Nakita kita.Kaya pala nagsee you around ka. :)

Napalunok ako nang mabasa ko ang mensahe ni August. Kung nakita niya ako, dapat ay nakita ko rin siya! WTH?Pero sa totoo lang ay hindi ko na tanda ang mukha niya. 3 weeks ago ko pa nakita yung profile niya kaya naman muli kong hinanap ang pangalan niya sa facebook. Baseball bat and gloves na ang DP nito kaya hindi ko na makita ang iba niyang pictures. Nakaprivate naman siya kaya walang pag-asang makita ang picture niya.

LovelyC:

Baka namalikmata ka :D

MonthOfAugust:

Nope. Sigurado ako. Kahit kalahati lang ang mukha mo yung ginawa mong dp dito noon namemorize ko na. Nga pala, anong magandang iregalo sa babae? :)

LovelyC:

Masyado ka na, ah! Ako yata ang nanliligaw doon sa Cathy, e?

MonthOfAugust:

Alam ko ang gusto niya pero gusto ko yung matutuwa naman siya. Birthday na niya niyan kasi.

LovelyC:

Treat her like a princess on her birthday.

MonthOfAugust:

Well, I always treat her like a princess. Spoiled na nga pero hindi pa rin ako sinasagot :<

LovelyC:

Tingin mo hindi ka niya gusto? btw, I'm logging out na. I'll add you up para sa messenger tayo mag-usap. May interview for OJT kasi. :)

MonthOfAugust:

Tingin ko. Sure! :)

Sinigurado kong i-private lahat ang picture ko at inayos ang settings para hindi niya maview ang pictures ko. Pagkatapos nun ay in-add ko na siya.

Cupid Gone Wrong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon