Chapter 9

36.4K 1.6K 118
                                    


CHAPTER 9

August Lenard Parco: Sinong contact sa meetup mo? Pupunta kami ng pinsan ko.

Lovely Dennise Calarion: Punta ka talaga? Seryoso pala yon?

August Lenard Parco: Yup. walang kasama yun. Bata pa, e. Wala naman makakasama sa kanya sa mga pinsan namin. Walang cellphone yun baka mawala.

Lovely Dennise Calarion: Ah, sige. Send ko maya number ko.

August Lenard Parco: ok. out na ako. walang data mahirap lang ako.haha!

Lovely Dennise Calarion: Parang di naman!

Mukhang mapera naman siya. Halata sa mga pinopost niya minsan na pictures nila ng mga kaibigan niya. Kung saan-saan sila nagpupunta.

August Lenard Parco: Number mo? Text kita may tatanong pa ako, e.

Napairap na lang ako kasi pwede naman na niya itanong ngayon pero mukhang nagmamadali talaga siya. Binigay ko na lang din sa kanya ang number ko at binigay din niya sa akin ang number niya. After ng isang oras ay doon pa lang ako nakatanggap ng text galing sa kanya.

August: Anong magandang libro ang iregalo?

Lovely: Cinder. Bwisit! yan lang pala yung tanong!

August: Haha! Salamat.

"So, magkatext na kayo ngayon?" Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Kristin sa akin. "Ay girl ah! Binalaan kita."

"Sus, nagtanong sa akin si August kung sino si Kristin. Mutual friend daw kasi ako. Bakit mo in-add?"

"Gwapo, e!" Natatawa nitong sabi. "Di ako mang-aagaw. Jusko naman 'to."

"Isusumbong kita kay Monica! Nang a-add ka ng friend na hindi mo naman kilala. Baka mamaya nagchat ka pa!"

"Oo. Nag-hi ako. Hindi naman ako nireplyan. Suplado 'yang August mo."

"Baliw ka kasi. mabait naman 'yon."

"So hindi talaga tinanggi yung mo? Ay grabe talaga sila. Paalala ko lang na may ibang nililigawan 'yan Miss Lovely Cupid."

Cupid Gone Wrong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon