Chapter 25

32.3K 1.8K 758
                                    


CHAPTER 25

Binasa ko ang comments sa blog ko kagabi. May mga nagtatanong kung sino yung taong nagpapaasa sa akin at uupakan na raw nila. Yung iba naman ay relate naman daw sila. Ang iba ay nagsabing huwag na lang mag-assume. Go with the flow na lang daw. Kung gusto raw namin ang isa't isa ay mangyayari rin daw iyon, marahil hindi muna ngayon.

Pinakiramdaman ni Kristin ang noo ko nang magising siya.

"May lagnat ka pa, huwag ka munang pumasok."

"Okay."

Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ko sa comments dahil nag e-expect ako ng comment galing kay August pero wala naman. Siguro ay nabasa niya na tapos hindi lang nagcomment o kaya naman ay hindi niya nabasa dahil wala naman siyang pakialam sa blogs ko.

Matapos kong magbasa ng mga kumento ay tinignan ko na ang mga text sa akin. Halos kay August lahat tapos isa naman kay Monica na halos kakatext lang. Inuna kong replyan si Monica dahil nagtatanong siya kung papasok ba ako.

Lovely: Hindi ako papasok ateng. May lagnat pa

After kong magreply ay binasa na yung mga sunod-sunod na text sa akin ni August. Ang iba rito ay kagabi pa.

August: Kumakain ka pa rin?

August: Inom ka rin ng gamot

August: Busy?

August: Goodnight, Love.

August: Good morning. Magaling ka na?

Lovely: Di pa.

Bumangon na ako at naghilamos na. Hindi ko nakain yung binigay ni August kahapon na pagkain kaya naman nireheat ko na lang muna. Mukhang repeat lang din ang kakainin ni Kristin. Yung ulam namin kagabi kasi ay hindi pa rin namin naubos. Sabay rin kaming kumain pagkatapos ay umalis na siya.

August: Magpagaling ka na.

Lovely: Tulog muna ulit ako. Take care

Pagkagising ko ay binasa ko kaagad ang mga text sa akin. Syempre nandoon si August, Monica tapos si Kristin. Silang tatlo na lang naman ang nagtitext sa akin ngayon.

Monica: Sinabi ko na hindi ka papasok. Pagaling ka na raw.

Kristin: Beks! Anong ulam ang gusto mo mamaya?

Kristin: Kay August ang bilis magreply, sa akin hindi. Tampururot na akiz. lol

August: Gising ka na?

After kong replyan ang dalawa kong kaibigan ay nireplyan ko na rin si August.

Lovely: Gising ka na?

Napagdesisyunan kong gagayahin ko lang ang lahat ng sasabihin niya sa akin. Nai-stress lang kasi ako sa pag-aalala niya, e. Ayaw kong mag-assume kaya bubwisitin ko na lang siya. Wala rin kasi akong magawa ngayon.

August: Gising na siya. lol

Lovely: Gising na siya. lol

August: Ginagaya mo ako?

Lovely: Ginagaya mo ako?

August: Ang gwapo ni August

Napataas ang kilay ko sa huling text niya pero ginaya ko pa rin. Madalas ay feeling din kasi talaga siya, e. Masyadong gwaping-gwapo sa sarili.

Lovely: Ang gwapo ni August

August: sabi na nga ba, e. :]

Lovely: Sabi na nga ba, e. :]

August: Pangit

Lovely: Pangit

August: Magaling ka na?

Lovely: Magaling ka na?

August: Love naman :<

Lovely: Love naman :<

August: ...

Lovely: ...

August: Seryoso ako

Lovely: Seryoso ako

Napapangiti ako dahil mukhang naasar na talaga siya sa akin. Buti nga sa kanya. Tama lang 'yan kasi naaasar na rin ako. Ginugulo niya lang ang isip at damdamin ko. Huwag siya kasing masyadong mabait dahil baka mag-assume ang lahat ng babae sa paligid niya.

August: Sayo

Lovely: Sayo

August: Slow...

Lovely: Slow....

August: Sobra ka ng dot, Love.

Lovely: Sobra ka ng dot, Love.

August: Ah, Ganun?

Lovely: Ah, Ganun?

August: I love you

Doon ay natigilan ako sa paggaya sa kanya. Ang tagal kong tinitigan yung text niya sa akin. Umupo pa nga ako ng maayos dahil pakiramdam ko ay sasabog yung puso ko sa kaba. Ilang beses ko iyong paulit-ulit na binasa hanggang sa magdesisyon na akong magreply.

Sht! Bahala na! Wala namang Cathy na nililigawan!

Lovely: I love you,

Lovely: too...



****

Hindi muna ako mag a-update ng tatlong araw. :*

Leave comments! Basahin niyo muna ng paulit-ulit mula umpisa HAHAHA

Cupid Gone Wrong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon