Chapter 15

37.5K 1.6K 416
                                    



CHAPTER 15

"Uhm? Bakit ka nagpapaganda? Hindi ka naman mahilig maglipstick."

Tinignan ko si Kristin gamit ang salamin na nakaharap sa akin. Kaharap nito ang laptop niya at mukhang tinatapos pa yung papers nila. Hanggang hapon naman kasi ang pasahan. Kami kasi ng mga kagrupo ko ay natapos ng maaga kahapon.

"Magpapasa ako ng papers." Sagot ko rito.

"Wow? talaga ba? Nakalipstick?"

"Hindi ba pwedeng maglipstick?" Pabalang na sagot ko rito. "Puyat na nga, mukhang zombie na nga, tapos hindi pa rin pwedeng mag-ayos?" umirap pa ako nang sabihin iyon. Sa totoo lang ay kinakabahan akong makilala si Cathy. Nakita ko kasi yung DP niya kagabi. Ang ganda niya. Ang kinis ng balat at ang ganda ng mga mata nito.

Napabuntong hininga na lang tuloy ako ngayong inaalala ko ang hitsura niya. Mukhang walang pores.

"Alis na ako." Paalam ko kay Kristin.

"Sige, kita tayo ng after lunch. Huwag kang sumimangot, nagmumukhang walang effect 'yang lipstick mo e." Sagot naman niya at tumango na lang ako. Sanay naman akong nilalait ng friends ko. Naglalaitan naman kasi kami madalas.

Mabilis lang akong nakapagpasa ng papers namin. Hindi na rin kasi pumunta yung mga kagrupo ko dahil malalayo ang bahay nila sa university. Maaga pa rin naman kaya tumambay na rin muna ako sa library para aralin yung exam namin bukas. Last na rin kasi yung tatlong subject bukas tapos bakasyon for 2 weeks and then OJT na.

Natigil lang ako sa pag-aaral nang mag-vibrate ang cellphone ko. Pangalan iyon ni August kaya sinagot ko na agad.

"Nasaan ka?" Ang lalim ng boses nito sa tawag. Pakiramdam ko ay nag-init ang mukha ko bigla.

"School." Mahinang sagot ko rito.

"Saan sa school?" Napakagat na lang ako ng labi ko at napadukmo sa lamesa dahil sa tono ng boses nito. Ayoko na! Para siyang nanlalambing na ewan! Naiinis ako na parang kinikilig! Nakakainis talaga!

"Sa library." Para akong kinikiliti nang natatawa itong nagtanong ulit.

"Nag-aaral ka?"

"Oo." Sagot ko sa kanya pero mabilis kong inayos ang mga gamit ko dahil feeling ko ay hindi ako makakapag-aral dahil sa kanya.

"Nandito na kami sa harap ng university niyo." Lalo akong kinabahan tuloy dahil sa sinabi ni August. Bakit siya kasama? Gusto kong magpanic pero hindi ko magawang magpanic dahi pakiramdam ko ay nakalimutan ko na kung paano magpanic! Mag-aayos ba ako?

"H-hah?"

"Nandito na kami sa Sunny Hill University. SHU. Saan ka namin kikitain?"

"Bakit ka kasama?" Tumayo ako at lumabas kaagad sa library. Hindi ko alam kung saan ko sila pwedeng kitain. Bakit siya kasama? Pero sabagay, nililigawan niya nga pala si Cathy.

"Si Cathy?" Tanong ko na lang. "Siya na lang ang kausapin ko." Sabi ko pa. Ang awkward kasi sa pakiramdam.

"Ayaw niya, e. Nahihiya raw siya sa'yo." Kung alam ko lang na kasama si August baka hindi ako nagbackpack! Hindi ako mukhang babae. Tapos naka college shirt lang ako dahil wala ngang klase! Sana pala nagcivilian na lang ako ng tuluyan. Pero sana pala hindi na lang ako pumayag na makipagkita.

"Doon na lang tayo sa Tea House, okay lang?" Suhestiyon nito kaya napa oo na lang ako. Wala na, e. Nandito na ako. Kausap ko na. Nandito na rin sila.

Sinadya kong magmabagal sa paglalakad dahil kinakabahan ako. Dalawa lang kaya sila? Nagdi-date ba sila? Dapat yata ay magpalusot na lang ako na may emergency ako ngayon.

Cupid Gone Wrong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon