Chapter 24

36.5K 1.6K 341
                                    


CHAPTER 24

August Lenard Parco: Love? Bakit ka online?

Matagal kong tinitigan ang chat na iyon ni August. Kanina lang ay hinatid nila ako ng pinsan niya tapos ngayon ay nagcha-chat na siya kaagad sa akin.

Lovely Dennise Calarion: Lol! Matutulog na. babye

August Lenard Parco: Haha! Ge, pahinga ka na

Hindi na ako nagreply pagkatapos. Nag-uumpisa na akong ma-confuse sa mga ginagawa niya sa akin. Bakit kailangan niya pa ako sunduin kanina? Bakit kailangan niya pa akong ihatid sa apartment? Kanina okay pa akong kiligin kaso bigla rin iyon napalitan ng kalituhan.

Humiga ako sa kama at niyakap ko yung unan ko. Umilaw yung phone ko kaya tinignan ko kung saan galing yung text. Kay August na naman.

August: Magtext ka pag may problema, a

Tinitigan ko lang yung text na yun hanggang sa makatulog na ako.

***

Paglabas ko ng kwarto ko ay nakita ko si Kristin na nagluluto ng ulam.

"Okay ka na?" hindi nakatinging tanong nito sa akin. "Bumili ako ng gamot kaninang pauwi ako kasi sabi ni Monica umuwi ka raw kanina dahil may lagnat ka."

"Ang sarap naman sa feeling na ang daming nag-aaalala sa akin." Biro ko bago umupo sa sofa.

"Wow, senti lang? Bakit? Hindi ba nag-alala 'yang Agosto mo sa'yo at makadrama ka dyan"

"Sinundo niya nga ako kanina, e." Dahil sa sinabi kong iyon ay mabilis na lumapit si Kristin sa akin bago niya ako kinurot! "Aray naman! Grabe ka sa may sakit. Walang awa tong animal na 'to"

"Mukhang malakas ka naman at mas mukha kang animal!" Ganti nito bago inasikaso ulit ang niluluto niya. Himala na talaga ang nangyayari ngayong araw kasi ang hindi mapaglutong si Kristin ay nagluluto ng ulam na may sabaw.

"Kristin..."

"Bakit?"

"Confused ako." Humiga ako sa sofa at tinitigan ang puting kisame. "Confused na ako sa mga inaasta ni August." Tinakpan ko ang mga mata ko gamit ang palad ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang ginagawa ko ngayon. Matutulog ba ako o maiiyak?

"Tanungin mo na kaya? Hindi na ba niya nililigawan si Cathy?"

"Hindi na. Noong humingi siya ng tulong sa akin ay na friendzone daw siya. Pero syempre hindi naman siya hihingi ng tulong kung hindi niya mahal yung tao."

"Hoy! Ilang buwan na yon! Malay mo hindi naman niya mahal yun. Pretty lang naman kasi si ate girl. Baka bet lang niya yung face value ganern!"

"Sira. Mabait naman si Cathy."

"Bakit? Mabait ka rin naman. Wala ka nga lang binatbat sa ganda ni Cathy pero mabait ka naman."

"Thank you sa encouragement, ah! Magluto ka na nga dyan" Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko sa kwarto. May ilang text na doon si August.

August: Tulog ka pa rin? :)

August: Tulog pa nga

August: Kain ka pag nagising ka na.

Hindi ko pa narereplyan yung mga text niya ay may dumating na namang bagong text galing sa kanya.

August: Gising na, Love. Iinom ka pa ng gamot! :D

Lovely: Kumain ka na?

Iyon na lang ang nareply ko sa kanya. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko.

August: Mamaya pa. Kumusta na pakiramdam mo?

Lovely: Medyo okay na. Nagluluto na rin si Kristin. :)

August: Yung kasama mo sa apartment? Ikaw ba marunong magluto?

Lovely: Oo at hindi ako marunong. Diba ikaw marunong ka?

August: Medyo lang haha

Lovely: Naks. buti pa siya nakakapagluto, o. :D

August: Ipagluluto kita lol

Lovely: lol gayumahin mo pa ako. brb imma eat

Sinabi kong kakain lang ako pero sa totoo lang hindi ko na alam ang irereply ko. Nagcharge na lang muna ako ng phone bago bumalik kay Kristin.

"Kristiiin! Ayaw ko na. Konting landi pa niya talagang hulog na hulog na ako."

"Okay lang naman mahulog basta saluhin ka niya. Saka okay na rin 'yang may kalandian ka para naman ma-experience mo rin ang maglandi."

"Kausapin ko na ba?" Kumuha ako ng tubig sa ref at nagsalin sa baso.

"Kausapin mo na. Kung ayaw mo yung ginagawa niya ipatigil mo. E, kung bet na bet mo naman makipaglandian go lang. Walang pumipigil. Basta yung puso mo alagaan mo."

"Hindi ko naman siya laging nakikita." Sagot ko. "Baka nadadala lang ako sa pagiging caring niya."

"Ano ngayon kung hindi mo madalas makita? At least nagkikita kayo kesa sa iba naman na purely online lang. Mas delikado yon. Paano kung may body odor yung nilandi nila? Swerte ka na kay August. Gwapo na nga, mukhang mabago pa."

"Hindi lang mukhang mabango. Mabango talaga siya." Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang sinasabi iyon kaya ganun na lang kung makatingin sa akin si Kristin ngayon.

"Hala siya. Kinikilig. Kung iba ang gusto ni Agosto, doon ka na lang sa plan b."

"Anong Plan B? wala ngang Plan A, Plan B pa kaya?"

"Sira! Plan A hintayin mong umamin siya hanggang mamuti mata mo. Plan B naman yung make him fall for you. Ganun ginawa ko dun sa ex ko nun. Tumalab naman kaso nagbreak din kami kasi nagpalandi naman yung gago sa iba. May C at D pa pala. Plan C umamin ka sa kanya. At kung di pa rin magwork, magpabuntis ka na sakanya Plan D yun"

"Baliw ka na talaga Kristin! Sumbong kita kay Monica."

"Ako kakampihan nun. Maang-maangan ka rin kasi madalas, e."

Nalilito

LovelyC

Naranasan mo na bang humanga sa isang tao?

Yung malito nang todo?

Kasi ako, oo.

Hindi ko kasi alam kung masasaktan ba ako.

Yung hindi malaman kung ang pinakakita niya ba ay may motibo

o sadya bang ganun lang ang ugali nito?

Damdamin ko tuloy ay nalilito.

Ititigil ko na ba ang nararamdaman ko

o aasa pa ba ako?

Kung ang sagot ay oo

Sa akin ba'y may sasalo?

Kasi tingin ko, nahulog na ako

sa lalaking 'di ko alam kung ako ba rin ay gusto.


***

Malunod kayo sa update! Last na 'to. LOLOLOL

Cupid Gone Wrong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon