Chapter 14

33.7K 1.5K 131
                                    

CHAPTER 14

Unang Sulyap
by: LovelyC

Noong unang ika'y nakita
Agad akong natuwa.
Hindi ko alam kung paano
pero basta na lang kumabog
ang puso.

Bigla ko tuloy naisip
'Ah! ganito ba 'pag umiibig?
Ngumingiting mag-isa
tuwing maaalala ka?

Tanda ko pa nga
ang unang sulyapan.
Tayo pa nga
ay nagngitian.
Doon ay alam ko na agad
na ikaw ay aking magugustuhan.

Posted. Bigla ko 'yan naisulat nang sabihan ako ni Monica na bagay kami ni August. Yung intense raw na tinginan namin noon hindi niya makalimutan. Plus, kung wala lang daw talaga siyang nililigawan ay baka boto na siya kay August. Nakakasakit sa bangs 'tong nangyayari. Dahil sa mga sinasabi niya ay lalo akong naaattach. Tapos ang sweet pa ni August. Laging nagtatanong kung kumain na ba ako. Lagi rin akong pinapaalalahanan na matulog ng maaga.

Cathy Madrigal: Ang ganda ng poem mo! :D

Matagal kong tinitigan ang chat sa akin ni Cathy. Ito ang unang beses na nagchat siya sa akin. Pakiramdam ko ay hinuhuli ako ng girlfriend ni August.

Lovely Dennise Calarion: Thank you! :)

Cathy Madrigal: OMG! Nagreply ka! Hala!

Lovely Dennise Calarion: Haha!

Wala na akong alam na sabihin sa kanya kundi haha na lang.

Cathy Madrigal: Pwedeng makipagmeet? Pupunta kasi kami sa school niyo bukas! :D

Wala akong pasok bukas pero may ipapasa akong papers para doon sa isang subject namin. Kailangan kasi iyon sa thesis namin for next school year. Itong ginagawa naming research papers na rin kasi ngayon ay parte na rin ng thesis namin kaya kelangan seryosohin. Ayaw ko naman na umilit pa kami next school year ng mga gagawin dahil lang nagpabaya kami ngayon.

Lovely Dennise Calarion: Pwede ako ng after lunch! :)

Cathy Madrigal: Okay! See you. Excited na ako. :D

Lovely Dennise Calarion: Anong gagawin niyo rito pala?

Cathy Madrigal: bibisitahin din namin yung isang kaibigan namin na malapit lang dyan. Excited na talaga akong makita ka. Buti pa si August nakita ka na :D

Pinuntahan ko ang profile ni Cathy kasi nacurious ako kung lagi bang nagcocomment si August sa mga post nito. Kakapost lang niya ng isang picture kasama ng isa niyang kaibigang babae. Nakahawak sila pareho ng gitara. Naka-like si August pero wala siyang comment.

Abnormal talaga yung Agosto na 'yun! Paano siya sasagutin ni Cathy kung di naman yata siya gumagawa ng move?

Lovey Dennise Calarion: See you tom, Cathy! :)

Cupid Gone Wrong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon