Chapter 29

31.4K 1.5K 326
                                    



CHAPTER 29

August: Anong oras ang uwi mo ngayon?

Lovely: 5pm pa :)

Kasabay kong magbreak ngayon si Monica. Three days na simula noong nagpunta si August dito para tanungin ako kung seryoso rin ba ako sa sinabi ko.

Hindi naman nagtatanong si Monica kung ano ang napag-usapan namin ni August. Privacy na rin naman syempre. Magrereact lang naman sila kung nagkukwento ako, e. Sa ngayon kasi gusto kong manahimik muna.

August: Sunduin kita mamaya. Labas tayo mamaya. Sat. naman bukas wala kang pasok ihahatid naman din kita.

Lovely: Huwag masyadong pagabi. Nagsusumbong yung landlady sa mama ko, e.

August: Yup yup. Ihahatid naman kita.

Lovely: Okaaaay~

"Kain ka muna Labli. Mamaya ka na magtext matatapos na break natin, e." Nakangiting paaalala sa akin ni Monica kaya itinabi ko na muna ang cellphone ko. Sakto namang umupo na sa table namin 'tong si Nico. "So, kumusta na kayo ni Agosto?" Napansin ko ang pagtingin ni Monica kay Nico. Halatang pinaparating niya kay Nico na may ibang lalaki sa buhay ko. Joke. Halatang ayaw niya talaga kay Nico kaya itinaon talaga niyang itanong yun kay Nico.

"Okay naman." Sagot ko na lang.

"Yung lalaking sumundo sa'yo noon?" Tanong naman ni Nico sa akin. "Boyfriend mo 'yun?" Hindi ako sumagot. Feeling close kasi siya.

"Oo, boyfriend niya. Tumigil ka dyan. Wala ka sa picture." Sagot naman ni Monica. Nag-uumpisa na akong ma-stress sa kanilang dalawa.

Hindi pa kami ni August. Hindi ako sumagot ng oo. Medyo nabibilisan kasi ako sa kaganapan. Ayaw ko namang umuo kasi hindi naman ako sigurado sa sincerity niya. Hindi pa rin kasi malinaw sa akin si Cathy.

August: Tapos ka na kumain?

Lovely: Yup.

Nauna na akong umalis sa table namin dahil ayaw kong ako yung ginagawa nilang topic. Awkward na ngang sumasabay si Nico tapos ako pa yung nasa hot seat.

August: Text kita mamaya. Laro lang ako, Love.

Lovely: Laro ng?

August: Baseball, Love. Nagyaya yung mga ka-club ko noong high school.

Lovely: Oh, marunong ka pala niyan. Akala ko trip mo lang gawing DP.

August: Naks naalala. Kinilig ako. hahaha

Lovely: Gagi! Bye na nga.

August: Bye, Love. Sunduin kita mamaya.

Lovely: Okay~

August: Love naman :<

Lovely: Luh? Anong ginawa ko?

Bumili muna ako ng bread bago ako bumalik sa office. Para akong tangang nakangiti habang binabasa ang sumunod na text sa akin ni August.

August: Hindi ako makapagsimulang maglaro kasi nagrereply ka :<

Lovely: Lol. Grabe siya. OA ka!

August: Seryoso nga. Nagreply ka na naman haha

Lovely: Okay. Hindi na kasi. Galingan mo maglaro lol

August: Gagalingan ko talaga. :)

Matapos nun ay hindi na ako nagreply. Saka ko na lang tinignan ang cellphone ko nang tuluyan akong nasa loob ng office at nang makaupo na ako sa desk naming mga trainee.

August: Hindi na nagreply

August: aww, wala na talaga.

August: Iwasan mo yung umaaligid sa'yo dyan. Love you

"Ay! nakangiti ka na naman dyan Lovely, paki ayos na nga lang itong files na ito tutal text ka naman nang text." Dahil kay Miss Tess ay tuluyan nang naudlot ang kilig na nararamdaman ko. Looking forward na lang tuloy ako mamayang pag-uwi dahil magdi-date kami ni August. Kung date nga iyong matatawag.


***



Cupid Gone Wrong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon