Chapter 43

28.8K 1.4K 373
                                    

CHAPTER 43

Pinangatawan ni August ang sinabi kong huwag na muna kaming mag-usap. Ilang araw na ang nakalipas pero hindi pa rin kami nag-uusap. Hindi ko nga rin alam kung ano na ang status namin ngayon. Kami pa ba o hiwalay na ba?

Akala ko masakit na yung nakipagtalik siya sa ibang babae... Mas masakit pa pala yung malalaman mong mahal pa rin niya yung kaibigan niya.

Pinunasan ko ang luhang dumantay sa mukha ko. Tuwing matutulog na lang ako ay naiiyak ako. Nang araw na iyon, hindi rin ako nakatulong sa thesis namin. Sobrang nahihiya ako sa kanila dahil naapektuhan pati yung participation ko sa thesis namin nang dahil lang may problema ako.

"Umiiyak ka na naman ba?" Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Monica. Hindi ko namalayan ang pagpasok niya sa kwarto ko. "Tahan na bebe..."

"Monica... Hindi ko alam na ganito pala kasikit." Umupo ako at humarap kay Monica. Kita ko ang pag-aaalala sa mukha niya. Mas lalo tuloy akong naiiyak ngayon.

"Ilang araw ka naming hinahayaan lang na mag-isa at hindi ka namin pinupush na magkwento pero kasi Lovely, ang hirap na rin panoorin na umiiyak ka." Niyakap niya ako at naramdaman ko ang pagpat niya ng ilang beses sa likuran ko. "Gusto mo bang iiyak na ang lahat ngayon?"

Mahina ko siyang hinampas sa likod dahil sa tanong niya.

"Umiiyak na nga ako, e..." Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya. "Thank you." Pagkasabi ko nun ay hindi ko na napigilan pa ang pag-iyak ko. "Ang sakit lang Monica... Dahil ba hindi pa ako ready?" Humiwalay siya sa akin bago pinunasan ang mga luha kong dumadaloy sa pisngi ko. "Dahil ba sobrang busy ko lately? O dahil ba sobrang luwag ko sa kanya?" Lalo akong napahagulgol nang maalala ko ang mga text ng Joan kay August.

Joan: One-night- stand's not enough babe. Can we meet again? <3

Joan: I'm completely aware that you're taken but i'm fine with it.

Joan: Babe?

Joan: I'm always thinking about that night. You can always call me if ever you want a round 2...

"Hindi kasi siya nagdeny man lang." Umpisa ko. "Paniniwalaan ko naman siya kung magdedeny siya." Pakiramdam ko ang tanga ko dahil sa mga sinasabi ko ngayon. "Dahil ba virgin ako?"

"Gaga ka. Ano ngayon kung virgin ka? Swerte niya nga kasi siya makakauna sa'yo kung nagtino lang siya."

"Monica naman, eee!"

"Joke. Pero bebe," Nagkamot siya sa ulo niya. "hindi man lang ba siya nagsorry?" Umiling ako. "E, gago naman pala yang August na 'yan e! Aba! Pinagkatiwalaan ko siya! Akala ko mabait siya! Botong-boto pa naman ako sa inyo! Nakipagbreak ka ba?" Umiling ulit ako.

Pinangdilatan niya ako matapos ko iyong sabihin.

"Seryoso? Isa ka rin e. Makipagbreak ka na nga sa lalaking yon. Kung nagawa na niya 'yan ng isang beses baka magawa niya pa ulit yan. Di nga natin alam kung isang babae lang ang tinikman niya habang kayo pa." Iniisip ko pa lang na hindi lang isang babae ay nasasaktan na ako.

Kasi tuwing kasama ko si August ay mukhang sincere naman siya sa lahat ng ginagawa niya. Ang genuine ng mga pinapakita niya sa aking actions niya.

"Mahal pa niya si Cathy."

"H-hah?" pilit kong nginitian si Monica.

"Mahal pa niya si Cathy." Mahina kong ulit. "Rebound ako." Dagdag ko pa pero pinilit ko pa ring ngumiti. "Monica, combo yun e. Wala pang sampung minuto ganun na yung mga nalaman ko. Sana kahit yung issue na lang nung kay Joan yung nalaman ko. Kahit yun na lang sana. Mas matatanggap ko pang nambabae siya kaysa yung naging kami nga pero hindi naman pala totoo yung mga pinakita niya. Sana kahit yun na lang."

Nang gabing iyon ay hindi ako iniwan ni Monica. Sa katunayan, gabi-gabi niya akong sinasamahan sa pagtulog. Hinihintay na matapos umiyak. Ganun din naman si Kristin sa akin. Simula nang naaman nila ang rason kung bakit nag-away kami ni August ay hindi na nila ako hinahayaan mag-isa. Lagi silang may pinapagawa sa akin para ma-divert ang attention ko sa iba.

***

!!!UNTITLED!!!

It has been 3 weeks since the month of August came. I waited for this month to come simply because I love rain. This month, it rained a lot like how I cried for the past weeks. Yet, I still love this month. Almost everything went smoothly. I did well in my acads, and I made up with my friends.

But this month, I've decided to stop playing Cupid, because I know love will find you on its own. And when the time comes, I hope you're strong enough to face the reality that love is not all about good feelings. I want you to know that love can hurt and break you, too. But most of all, love is still the reason why we forgive.

Minsan mabilis lang maglaho ang pagmamahal. Minsan nga hindi natin alam kung totoong minahal ka ng tao. Pero kahit ganoon, pahalagahan mo pa rin ang lahat ng pagkakataon na kasama mo siya. Kasi mahal mo, e. Kaya dapat panindigan mo ang lahat ng alaala na kasama siya. Masakit man 'yan o masaya huwag mo pa ring kalimutan. Iyo kasi 'yan. Walang makakakuha niyan.

Kasi kapag nagmahal ka, proof iyon na naging masaya at nalungkot ka.

Listen to So Close by Jon McLaughlin

So close is about two people who were so close to making it together but they didn't in the end. I wonder why some people find this romantic when this song is exactly the opposite? But even if your relationship didn't last, I hope you still had a beautiful experience.

POSTED.

After kong mai-post ang blog ko marami akong natanggap na comments at marami rin akong notification galing sa mga naglike ng blog ko pero katulad noon isa lang na tao ang nakapukaw ng pansin ko... Siya lang naman parati...

MonthOfAugust liked your blog...

****


Ang daming relate mga bes emeghed.

Cupid Gone Wrong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon