Chapter 30

35.4K 1.5K 345
                                    



CHAPTER 30

Nasa powder room kami ni Monica ngayon. Nakatitig lang siya sa akin habang naglalagay ako ng lipstick at ng pressed powder

"May date ka ba?" Nakahalukipkip itong nagtatanong kaya nginitian ko lang siya. "Ngiting showbiz 'yan! Grabe siya! Saan kayo pupunta bebe?" Para itong kinikilig ngayon. Mas daig pa yata niya yung excitement na nararamdaman ko.

"Hindi ko rin alam kung saan. May cologne ka?" Naiwan ko kasi yung cologne ko nakakaloka. Ngayon pa talaga! Bakit kasi biglaan naman magyaya si Agosto?

"Oh, heto. Yung hindi mapag-ayos na kaibigan namin, nagpapaganda. Iba talaga ang dulot ng Agosto na 'yun." Inabot niya sa akin yung cologne nito. "Speaking, Agosto mo tumatawag." Dinampot ko kaagad yung cellphone kong nakapatong sa counter para sagutin ang tawag nito.

"Hi." Nakangiting bati ko rito.

"Hala siya nakangiti pa. Hindi makikita ni August 'yan!"

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni August sa kabilang linya. Ang ganda-ganda talaga niya tumawa. Yung puso ko kinikilig lagi tuwing tumatawa siya. Ayoko na talaga. Ang landi ng puso ko. Sasabunutan ko talaga si Monica, promise!

"Kaibigan mo?" Tanong ni August. "Yung Monica ba 'yun?" Nabanggit ko na kasi sa kanya na kasama ko si Monica sa company na ito.

"Oo. Huwag mong pansinin yun." Sabi ko na lang at nag-inarte naman si Monica na parang nasaktan sa sinabi ko kaya inirapan ko na lang siya.

"I-hi mo na lang ako sa kanya." Aniya. "Nandito na rin pala ako sa labas. Tapos ka na ba?"

"Oo, actually pababa na ako niyan."

"Pababa raw, nag-aayos pa siya Agosto. Hintayin mo na nagpapaganda pa para sa'yo, e."

"Monica!" Impit kong suway rito tapos tumawa na naman si August. "Isa ka pa, e. Tuwang-tuwa ka naman." Sita ko naman kay August.

"You're still beautiful without makeup on, Love." Ayan na naman yung Love. Kapag tinatawag niya ako ng Love sa call at sa personal mas lalo akong kinikilig. Yung boses kasi iba. Tapos umaasa na talaga akong endearment na 'yon!

Nang makapaglagay na ako ng cologne ay binalik ko na iyon kay Monica saka lumabas na ng powder room.

Nagpahintay na lang ako sandali kay August dahil may binalikan pa akong gamit ko sa desk namin. Si Monica naman ay nakasunod sa akin dahil may kukunin din siya. Sabay na rin kaming nagpaalam sa mga nandoon bago kami umalis na dalawa.

Nasa usual spot si August habang nakaupo siyang naghihintay sa akin. May ibang girls na marahil ay ka-age ko na napapatingin sa kanya. Paano'y takaw pansin naman kasi ang hitsura nito kahit pa simple lang siyang manamit. Kahit plain gray shirt lang saka pants at rubber shoes lang ang suot niya.

Napatingin tuloy ako sa sarili ko. Naka-corporate attire pa ako dahil ito ang required na isuot sa office. Parang out of place naman yata itong suot ko ngayon sa pupuntahan namin.

"Mauna na akong umuwi." Paalam ni Monica sa akin bago niya ako bineso-beso. "Uwi ka ng maaga kasi baka mag-alala si Kristin. Alam mo naman 'yun. Magtext ka sa kanya." Paalala pa niya.

Pagkatapos kong magpaalam kay Monica ay nilapitan ko na si August na ngayon ay abala sa nilalaro niya sa cellphone nito. Akala yata ay sobrang magtatagal ako sa taas.

"Busy, a" Sabi ko nang makalapit ako rito.

"Love" Nakangiti itong tumingala bago tumayo at ibulsa ang cellphone nito. "Hindi kita napansin, sorry." Hinging paumanhin nito. "Tara?"

"Pwede bang umuwi muna? Mali-late ba tayo sa pupuntahan kung uuwi na muna ako? Gusto ko kasing magbihis muna."

Tinignan niya ako mula paa hanggang ulo bago ito ngumiti. "Maayos ka naman, ah. Ganda mo nga, e." Yumuko ako bago ako ngumiti. Bwisit talaga 'tong Agosto na 'to. Ang hilig kasing magcompliment. Napakahirap pa naman magpigil ng kilig madalas.

Pumayag akong hindi na lang nga umuwi dahil medyo time consuming nga. Isang oras pa naman ang layo ng apartment dito sa office. Ang sabi naman ni August ay malapit lang sa office ang pupuntahan naming dalawa.

Nagtaxi kaming dalawa at wala pang twenty minutes ay narating na namin ang isang dog cafe. Mabilis na kuminang yung mga mata ko nang makita ko pa lang yung cafe na 'to. First time ko 'tong makakapasok 'pag nagkataon! Minsan ko lang din nasabi kay August na mahilig ako sa aso pero hindi ko naman akalain na maalala pa niya iyon.

Namangha kaagad ako sa loob ng cafe dahil pictures pa lang ng aso ay nae-excite na ako. Paano na lang kung mameet ko na yung mga aso sa loob? Hindi ako mapakali, titingin ako kay August tapos titingin ako sa pictures. Nakakaexcite talaga. Tapos siya nakangiti lang. Napag-utusan ko pa ngang kuhanan ako ng pictures, e.

Inilagay namin ang mga gamit sa iisang locker tapos sinigurado ng nagbabantay na wala kaming dalang pagkain. Tanging sealed drinks na nabibili lang din kasi dito ang pwedeng ipasok sa loob.

"Auguuuuust" Mahina lang pero sadyang hinabaan ko ang pagtawag sa pangalan niya dahil may twelve na cute na asong nandito ngayon sa loob ng cafe! Ang cu-cute nila tapos naglalaro yung iba. Yung iba naman ay natutulog at walang pakialam sa mga nagaganap. "Pictuuure~" Sabi ko sa kanya habang hinihila ang dulo ng t-shirt nito.

Halatang nagpipigil ng tawa si August dahil sa nakikita niya sa akin ngayon. Wala na akong pakialam kung ma-turnoff siya sa akin ngayon. Basta mahalaga ay nasa harapan ko yung mga aso! Wala akong aso sa bahay dahil ayaw akong payagan ni mama kong mag-alaga.

Mabilis pero dahan-dahan akong tumabi sa asong natutulog. Umupo ako sa tabi nito at nagpose. Nalimutan ko pa ngang ibigay kay August yung cellphone ko kaya naman yung cellphone niya na ang inilabas niya para sa pagkuha ng picture.

"Wrong move yata na dito kita dinala." Natatawa pa rin siya ngayon dahil sa mga pinagkakagawa ko. Nakikipaglaro kasi ako dito sa isang aso ngayon pero yung saktong interaction lang kasi bawal mag-ingay at dahil baka na rin masaktan sila kung sobra ang pakikipaglaro na ginagawa. Napanggigigilan ko pa naman ang mga aso.

"Hindi 'to wrong." Ilang beses pa akong umiling-iling dahil natutuwa talaga ako ngayon. Sobrang tuwang-tuwa talaga ako! Buti nga't wala masyadong tao. Last time kasi ay pumunta na kami rito kaso first come first serve basis kasi sila kaya hindi kami nakapasok nina Kristin at Monica.

Madami kaming kinuhang pictures ni August. Nahihiya na nga ako dahil baka puno na yung album niya ng pictures ko. Kinuhanan ko rin naman siya ng pictures kasama nung mga aso.

"Kanina ka pa picture nang picture kasama yung mga aso. Nagseselos na ako." Nakalabi nitong sabi sa akin kaya naman napangiti ako nang hindi inaasahan. Mag-iisang oras na kasi kami pero wala akong ibang ginawa kundi magpicture kasama nung mga aso o kaya naman ay kinukuhanan ko sila ng picture kapag may cute silang ginagawa.

Tumabi si August sa akin at hinapit niya pa ako papalapit sa kanya. "Tayo naman." Sabi niya pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya ngayon. Mas gwapo talaga siya sa malapitan. Ang cute-cute pa nung nunal na malapit sa mata niya. Tuldok lang talaga yun pero ang cute. "Love, huwag mo akong masyadong titigan. Matutunaw ako."

"K-kapal. Mukha ka kasing aso kaya ako nakatitig sa'yo." Sabi ko na lang bago tumingin sa cellphone niya. Nagulat na lang ako nang matapos niyang pindutin ang button ay bigla niyang inilapit ang mukha niya sa leeg ko.

Fck my heart! Sobrang bilis nung heartbeat ko! Baka bigla akong palabasin dahil baka ang ingay na ng puso ko. Kalma Lovely. Kalma tayo, please. Puso makisama ka sa akin.

"Amoy aso ka na, Love." Nakangisi nitong sabi kaya naman mabilis ko siyang hinampas sa balikat niya. Shocks! Hindi pala nagtatagal ang amoy ng cologne ni Monica! Nakakahiya~


****


Cupid Gone Wrong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon