CHAPTER 12

36.6K 1.6K 213
                                    


CHAPTER 12

"Ang grumpy mo. Dahil ba hindi kayo nakapag-usap ng dalawang araw na?" Natatawa pa si Monica nang tanungin niya ako.

"Hindi, ah. Ang hirap kaya nitong coverage sa finals." Palusot ko pero sa totoo lang ay naaasar talaga ako kasi hindi talaga ako chinachat at tinitext ni August ngayon. Biglang nawawala matapos kang sanayin na kausap siya nang araw-araw. Nang mag-vibrate ang phone ko ay kaagad ko itong tinignan.

August: Kumusta na? Naospital ako haha!

Naospital na, tumawa pa? Bakit hindi niya sinabi sa akin?

Lovely: Okay ka lang? so, bawal na cellphone sa ospital? palusot lol

August: Okay na ko Love. Naiwan cellphone ko nung na-confine ako. Di naman nila dinala kasi

"Love talaga ang tawag sa'yo? Bes hindi ko kinaya!" Sinamaan ko ng tingin si Kristin dahil sa lakas ng bunganga niya. Napatingin tuloy sa akin ang mga kaklase namin.

"Tumigil ka nga."

"Titigil na sige na. Pagpatuloy mo 'yang landian niyo."

"Hindi kami naglalandian."

August: Na-lss ako sa without you ni AJ Rafael. Pakinggan mo pag tapos na klase mo.

Lovely: Sige. Review lang muna ako.

August: Finals? Do well! ;)

Lovely: Thx.

August: Sungit natin ngayon, ah. Last na, pahinging kanta bago ka mag-aral ulit.

Lovely: Lagi by Kiss Jane.

"Kawawa naman ang bebe girl namin. Pinapaasa ng isang Agosto. Hindi raw naglalandian. utot niyo."

"Wala akong feelings sa kanya, Monica."

"Ay kaya ba Lagi yung sinend mong kanta?" Matapos niyang sabihin iyon ay kinanta pa niya yung chorus nung Lagi. "Sana pati Baliw na rin sinend mo na! Pagsabihan mo si August na saluhin ka kapag na-fall ka. Tinutulak ka niya talaga para mahulog ka sa kanya, e. In fairness, kenekeleg eke friend."

"Ewan ko sa'yo, Monica. Mag-aral ka na nga!"

Cupid Gone Wrong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon