Kung Ako Lang Sana

138 3 0
                                    

#A4Day8: Three Wishes



Kung ako lang sana ang buwan,

Bibigyan ko ng liwanag sa gabi

ang iyong daraanan.

Upang masilayan mo ang ganda ng mundo.

Kung ako lang sana ay isang bituin,

Walang humpay akong magniningning

sa mga gabi mong madilim,

Patuloy na magdudulot ng ngiti sa 'yong labi.

Kung ako lang sana ang araw,

Patuloy akong sisikat

matapos ng bagyong dadaan.

Bibigyan ka ng panibagong lakas na harapin ang bawat umaga.

Ngunit wala na akong magagawa pa,

Pagkat ako ay nasa bisig na ng Maykapal.

Patuloy kitang mamahalin,

at mangangarap na,

Kung ako lang sana... 

AMACon 4: Serendipitous (30 DAYS CHALLENGE) [COMPLETED]Where stories live. Discover now