Ang Ulan at Iyong Paglisan

102 2 0
                                    

#A4Day13: Two for the Road

Naalala mo ba ang ulap?

Maitim at padating,

Nakawagayway sa galit na kalangitan;

Tila iyong paglisan na nagsimula,

Hindi mawari ng aking kaisipan,

At puso ko ay hindi maunawaan.

Naalala mo ba ang kidlat?

Nagkakaisa ang kanyang mga kamay

Sa pagtama nito sa kakahuyan at kalupaan,

Makapangyarihan sa kanyang pagsabog at panggugulat

Gaya ng iyong galit at pagkamuhi

Sa isang biglaan at nakatadhanang katapusan.

Naalala mo ba ang kulog?

Giniba nito ang lahat ng ingay,

Katulad ng ating mga away,

Habang ang lahat ng mga pagpapatawad ay itinapon sa kawalan

Habang ang lahat ng mga pagtitiwala ay sinira

Habang ang lahat ng mga pagpapayo ay sinuway,

Naalala mo ba ang ulan?

Sa panahong ang tabi ko ay iyong nilisan?

Nawala na ba ang iyong pagmamahal?

Naglaho ang araw sa umaga, sa gabi ang buwan,

At umagos ito sa kabundukan

At nilinis ang lahat ng nadungisan,

Lahat, pati ang mga kuwento

Sa mga matatamis at mapapait na aranasan, mo at ako.

Lakad na habang mahina pa ang ulan. 

AMACon 4: Serendipitous (30 DAYS CHALLENGE) [COMPLETED]Where stories live. Discover now