Ikaw at Ako

112 2 0
                                    

#A4Day17: Panatang Makabayan

"RJ, kelangan mo ba talagang umalis?"

"Oo eh. Kailangan ng back up ng mga sundalo ngayon dun sa Tawi Tawi."

"Pero di ba delikado ngayon dun? Makiusap ka nalang kaya sa mga superiors mo na sa ibang lugar ka na magpa assign?"

"Maine, bilang sundalo wala akong karapatan para mag reklamo. Isa pa, ito ang sinumpaan kong tungkulin para sa bayan."

"Naku naman, RJ. Kababalik mo pa lang galing ng Surigao. Tapos ngayon sa Tawi Tawi naman? Ni hindi mo pa nga nakakasama ng matagal yung kambal eh."

"Pasensiya ka na ha! Hayaan mo at pag uwi ko, babawi nalang ako sa kanila."

"Basta, mag iingat ka dun. Palagi kang magdadasal."

"Oo na po. Wag kang mag alala...ilang buwan lang naman ako mawawala. At saka hindi pa ako mamamatay."

"Ricardo naman eh. Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Mabuti pa, umalis ka na. Wag mong kalimutan halikan sina Siegfred at Athena bago ka umalis. Okay?"

"Opo. I love you, Maine."

"I love you too, RJ."

Limang taon ang nakaraan nang makilala ko si Richard/RJ. Isa siyang sundalo. Ako naman ay isang guro. Parehas kaming nakatalaga sa isang maliit na barangay sa probinsiya ng Sulu. Matapos kong maipasa ang pagsusulit para maging isang lisensiyadong guro ay duon agad nila ako itinalaga. Wala namang problema sa akin. Hindi naman ako mapili. Kahit saan, pwede ako.

Hindi ko makakalimutan ang unang araw na kami ay nagkakilala. Isang umaga ng buwan ng Hulyo nang may mga nanggulong rebelde sa paaralan kung saan ako nagtuturo. Sobrang natakot ako ng mga panahong 'yun. Ilang buwan pa lang nang magsimula akong magturo pero 'yun agad ang sumalubong sa akin. Simula pa lang ay alam ko na maaaring manganib ang buhay ko. Pero dahil ito ang pinili kong propesyon ay wala akong karapatan para mag reklamo.

Iniligtas niya ako kasama ng aking mga estudyante mula sa pagkakabihag ng mga rebelde. Nagsilbi siyang negosyador. Hindi siya tumigil hanggang sa kami ay mapalaya. Gumawa yun ng ingay sa buong bansa. Nagsilbi siyang inspirayon sa mga kapwa namin Pilipino. Lalo na sa mga kasamahan niyang mga sundalo.

"Miss Maine, ayos lang po ba kayo? Nasaktan po ba kayo?", tanong ni RJ sa akin matapos kaming palayain ng mga rebelde.

"Okay lang ako, Sir. Maraming Salamat po sa inyo."

"Wag mo na ako tawaging Sir. Parang ang awkward eh. RJ nalang."

"Sige...Maine nalang itawag mo sa 'kin kapag wala ako sa school."

Naging malapit kaming magkaibigan ni RJ. Madali kaming nakapalagayan ng loob dahil pareho kaming taga Luzon. Taga Laguna siya samantalang talaga Bulacan naman ako. Simula nang maitalaga ang kanilang hukbo sa barangay na kinabibilangan ng paraalan na aking tinuturuan ay hindi na nangahas ang mga rebelde na pumasok.

Mas naging malapit kami ni Richard sa isa't isa. Maraming beses kaming nagkakausap lalo na tuwing gabi. Madalas naming pag usapan ang tungkol sa pamilya. Minsan naman patungkol sa kanya kanya naming trabaho. Parehas pala kaming nagmula sa mga pamilyang medyo nakakaangat sa buhay. Pero parehas din kaming may puso para tumulong sa bayan sa sari sarili naming paraan.

Patunay lang na hindi hadlang ang estado ng buhay ng isang tao upang pagsilbihan ang bansa. Mahirap at mayaman. Dapat lahat, pantay pantay. Isa yun sa mga dahilan kung bakit siya napamahal sa akin. Aaminin ko na guwapo siya. Pero hindi yun ang minahal ko sa kanya, kundi ang busilak niyang kalooban. Di nagtagal ay naging magkasintahan kaming dalawa. Noong una ay ayaw ng pamilya ko sa kanya dahil nga sundalo siya. Ang isang paa niya ay nasa hukay na. Pero pinaglaban namin ang isa't isa. Sa huli ay tinanggap din siya ng aking pamilya.

Nagpakasal agad kami matapos ng isang taon. Biniyayaan ng kambal na babae at lalake. Pinangalanan namin silang sina Siegred at Athena. Walang kasing saya ng aming pakiramdam. Tumigil na ako sa pagiging guro at umuwi ng Bulacan. Gusto ko kasing matutukan ang pagpapalaki sa aming kambal na anak. Nagtayo kami ng isang panaderya. Si RJ naman ay kailangang magpunta ng Tawi Tawi. Ayon sa mga opisyal niya ay pwede na siyang bumalik ng Luzon at duon na itatalaga. Napakasaya ko sa balitang yun. Ngunit isang araw ay nakatanggap ako ng isang tawag mula sa sa isang kasamahan niyang sundalo na si Jerald.

"Maine, wala na si Richard. Patay na siya."

"Je, wag ka ngang magbiro ng ganyan. Nasan si RJ? Gusto ko siyang makausap. Please."

Isang nakakabinging katahimikan sa kabilang linya. Maya maya ay narinig ko ang hikbi ni Jerald. Napagtanto ko na totoo ang lahat ng kanyang sinabi. Ayon sa kanya ay nabaril si RJ ng isang rebelde. Binihag siya ng ilang araw. Pinahirapan at pinatay. Walang kasing sakit ang pakiramdam ko. Mahirap pala maging karibal ang bayan



AMACon 4: Serendipitous (30 DAYS CHALLENGE) [COMPLETED]Where stories live. Discover now